Sorry talaga sa matagal na UD.
Hindi ko namalayan na lagpas isang linggo na pala akong hindi nakakapag update.
Sorry talaga... T_T
Pero sana ma-enjoy nyo ang UD na ito.
----------------------------------------------------------------------
Phoebe's POV
"You're next. " pagkatapos ko sabihin iyon sa lalaking nakamaskara aya agad akong naglakad papunta sa kinaroroonan nila.
Batid kong gusto na nilang tumakas ngunit wala silang malulusutan dahil sa mga apoy na nakaharang.
Nang tuluyang makalapit sa harap ng apoy ay tumigil ako sandali at tumingin sa mga ito na kita na ang takot kaya napangisi na lang ako.
Bwiset tong mga toh. Kung binigay nalang sana nila yung perlas sakin kanina pa, edi sana wala ng namatay sa kanila. Tsk. Tsk. Tsk. Di bale, nagenjoy naman ako sa pagpatay sa kasamahan nya. *smirk*
"A-Anong gagawin mo?! " nauutal na tanong ng lalaking nakamaskara.
"Nothing good, I guess. " nakangising sabi ko habang iniikot ang kamay ko na parang walang gana na sumagot sa kanya.
"W-wag kang lalapit! " nanginginig na sabi nito sa takot kaya napangiti ako ng nakakaloko.
"Okay. " sabi ko at huminto sa paglalakad kung saan nasa loob na ako ng apoy na nakapalibot kanina sa dalawa.
Ilang dipa ang layo sa kanilang dalawa ng huminto ako.
Iminuwestra ko ang kamay ko pataas hanggang sa kapantay na ito ng dibdib ko, kasabay ng pag angat nilang dalawa sa ere.
Kita ko ang gulat nilang dalawa habang unti unting umaangat sila sa lupa.
"Give me the pearl and I will let you two escape. " sabi ko sa malamig na tono at seryosong mukha.
Ngunit agad itong umiling ng umiling na parang sinasabi na hindi nya ito sasabihin. Kaya sa inis ko ay unti unti kong sinasara ang mga palad ko dahilan upang unti unti rin silang mawalan ng hangin sa katawan.
"Give it to me or I'll kill you with no mercy! " inis kong sabi sa kanila.
"T-tsk. W-wala na sakin." sabi nito kaya agad na nangunot ang noo ko.
"Then,where it is now?" tanong ko sa kanya na ngayon ay namumutla na ang mukha dahil sa hirap na huminga kaya agad kong niluwagan ang pagkakatiklop ng kamau ko para hindi sya tuluyang mawalan ng hininga.
"T-tss...H-hahaha...... N-nasa kanya na iyon. Huli na kayo. Hahaha..." Parang baliw na tumawa pagkasabi nya non. Tila nawala ang takot sa mg mata nya.
"What are talking about? " I ask in irritation. Ginag*g* talaga ako ng isang to eh.
"Siguro sa oras na ito ay naibigay na ang perlas sa k-kanya. Akala mo ba talaga ay pumunta kami rito para lang makuha nyo iyon? Nandito kami para madistract kayo.Hahahaha.... " sabi nito sa nakakalokong tono.
Hindi ako umimik sa mga sinasabi nya. Hinihintay kung may sasabihin pa sya dahil sa nakakalokong ngiti na nakapaskil na sa mga labi nya.
Grabe.... Nagpunta lang pala kami sa wala kung ganon? Tsk. Ano ba yan... Akala ko pa naman ay makakauwi na ako at makakatulog ng mahaba. Tss.. Hindi pa pala. Nakakainis. -_-
"H-hindi nyo kami m-maiisahan. A-Alam namin ang lahat ng kilos nyo. Lahat lahat, kahit ang oras na p-pinatay mo a-ang mga k-kasamahan namin sa S-Saindreth at sa mundo ng mga b-bampira ay alam namin. " nauutal na sabi nito. Ngunit nanatioing blanko ang ekspreksyon ko.
Pero dahil sa sobrang inis ko ay agad kong pinutulan ng ulo ang isa pang lalaking nakacloak.
T*ng*na. May sinabi ba akong sabihin nya ang bagay na iyon?! Ang sinabi ko lang naman ay ibigay sa akin ang perlas ah. Kung ano ano na ang pinagsasasabi. Mukha ba akong may pakielam dyan sa sinasabi nya? -_-
"Are you done? " tanong ko sa kanya sa malamig na tono pa rin. Ngunit hindi na sya nagsalita pa hudyat na tapos na itong magsalita.
Nagbuntong hininga ako at walang paligoy ligoy na binutas ang tiyan nito dahilan upang lumabas ang mga lamang loob nya. Napasigaw sya sa sobrang sakit at sumuka ng dugo.
Pero dahil hindi pa ako nakuntento ay binalian ko pa muna sya ng mga buto sa katawan upang mas lalo syang humiyaw sa sakit.
Pagkatapos ay agad na pinaputok ang ulo nya dahilan upang tuluyan na itong mamatay.
Tumalsik pa ang mga organism at dugo nito sa kung saan saan at natalsikan rin ako kahit ilang dipa ang layo ko sa kanya.
"Useless. " sabi ko bago ako kumuha ng panyo sa bulsa ko at ipinunas iyon sa natalsikan ng dugo sa mukha ko.
Tumalikod na ako at doon ko nakita sina Xavier sa itaas ng battle stage na nakatulala at namumutla. Tsk -_-
Hindi ko na sila pinansin at dumiretso ako kung nasaan sila Alixson at Gwen na hanggang ngayon ay wala paring malay. Agad kong inalis ang barrier para maalalayan ko sila.
*sigh* kailangan nilang maibalik sa academy para mabigyan ng lunas sa usok na nalanghap nila. At para magamot ang mga sugat nila. Buti nalang hindi tumalab sa akin ang usok na yon kahit na nakalanghap rin ako. Tsk.
Agad akong tumingala kung nasaan sila Xavier bago ako magsalita.
"Hey, don't just stand there. Help me here. " sabi ko sa kanila na nakapagpabalik sa kanila sa realidad at dali daling bumaba papunta sa kung nasaan kami.
Bakas ang pag aalala sa mukha nila ng makita sina Alixson na walang malay at sumusuka ng dugo.
"What happened to them? " nag aalalang tanong ni Kristina.
"Don't ask. Just help me carry her. We need to take them back to the academy. " sabi ko at tiningnan si Princess na agad naman naintindihan ang tingin dahil tumango sya at medyo lumayo sa amin.
Itinapat nya ang kamay hanggang sa tumapat ito sa dibdib nya at may sinabing mga salita at unti unting lumiwanag ang kamay nito na agad nakabuo ng isang magic circle.
At pagkalipas ng ilang segundo ay may lumabas na portal sa harap naming lahat. Agad namang binuhat nila Shaun at Liam sina Alixson at Gwen bago pumasok sa loob ng portal. Pagkatapos ay pumasok na kaming lahat sa portal.
Sana maging maayos silang dalawa pagbalik namin sa academy. *sigh*
----------------------------------------------------------------------
Phoebe Shane Yoona in the multimedia *^▁^*
ace_han02
BINABASA MO ANG
Mawer Academy [Completed]
FantasyA school that is not ordinary.... A school only for the gifted... Those people who are beyond the ordinary.... A school for people who have powers... Those people who are strong.... Powerful..... And special... This is a TAGALOG-ENGLISH story ...