Chapter 20: Transformation

22.1K 556 33
                                    

==================================================================

Third Person's POV

Habang natutulog ang isang dalaga sa dorm nila. Ay may dalawang pares ng mata ang nakamasid sa kanya. Isang lalaki ang nakaupo sa isang mataas na puno at Parang binabantayan ang bawat kilos ng dalaga.

Nasa isip nito kung bakit walang kapangyarihang taglay ang dalaga. Samantalang sya ang magiging susi para maging mapayapa o maging dahilan ng kaguluhan sya sa kanilang mundo.

Hindi nya mawari kung wala nga ba itong kapangyarihan o itinatago lamang nya ito sa kanyang sarili para walang makaalam. Hindi nya maramdaman ang kapangyarihang tinataglay ng dalaga ngunit may nararamdaman syang kakaiba sa kanya.

Hindi nya rin makita ang aura nito. Hindi tumatalab ang kapangyarihan nya rito. Naguguluhan na sya sa mga nangyayari. Hindi nya matukoy kung sya talaga ang taong nakatakda o maaaring mali lang ang kanilang pinuno sa pagturo kung sino ang nakatakda.

Pero imbes na bumalik sa kaniyang pinuno ay ipinagpatuloy parin nya ang pagmamasid rito kahit na sya ay may pagdadalawang isip kung ang dalaga ba talaga ang itinakda.

'Ikaw ba talaga ang itinakda o isa ka lang talagang ordinaryong tao? Pero kung isa ka lang ngang ordinaryong tao, bakit hindi tumatalab ang kapangyarihan ko sayo? Sisiguraduhin kong malalaman ko rin ang totoo. ' sabi nya sa kanyang isipan. At ipinagpatuloy ang pagbabantay at pagmamasid sa kanya.

Hanggang sa magising ang dalaga dahil sa nakaramdam sya ng pagkagutom. Tumingin sya sa orasan at nakita nyang mag aalas otso na ng gabi. Naalala nyang hindi pa pala sya nakakakain ng dinner. Dahil sa nakatulog sya. Kaya agad syang bumangon sa kanyang higaan at nag ayos ng sarili at lumabas ng kwarto nila.

Napapangisi naman sya habang naglalakad dahil nararamdaman nya ang presensya ng isang lalaki na nakasunod sa kanya. Alam nya na nung una palang ay may sumusunod na sa kanya ngunit hindi nya na lang ito pinansin at ikinasawalang bahala na lang nya ito.

Sa kabilang dako naman ay kumakain ng dinner sina Gwen, Alixson, Xandrick, Liam, Keurt at Shaun sa cafeteria.

Tahimik silang kumakain sa table nila dahil sa nangyari kanina. Mararamdaman mong napakabigat ng atmospera sa loob ng cafeteria. Halos wala kang maririnig na ingay sa loob maliban na lamang sa mga huni ng mga hayop at ibon.

Walang nagbabalak na magsalita man lang, dahil kung oo ay maaaring hindi ka na masikatan ng araw dahil sa masasamang tinginan ng mga elites. Nakapagtumingin ka sa mga mata nila ay para ka ng kukunin ni kamatayan.

Nanatiling tahimik ang buong cafeteria ng biglang bumukas ang pinto nito at iniluwa ang isang dalaga. Napatingin naman ang ibang estudyante sa kanya.

Nagtaka sya kung bakit ang tahimik rito, pero ng mapansin nya ang anim na elites na nakaupo sa isang table at masama ang pagtititigan ay alam na nya kung bakit ang tahimik ng lugar.

Idagdag mo pa na napakabigat ng atmospera rito na nanggagaling sa kanilang anim. At may mga lumalabas na konting kapangyarihan sa bawat gilid nila na parang gusto ng makipaglaban sa isa't isa.

Hindi na lamang nya ito pinansin dahil wala syang pakielam sa kanila. Kaya nag tuloy tuloy lang sya sa paglalakad papuntang counter upang umorder ng pagkain.

Mawer Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon