After a long wait ay ito na ulit ang UD... Sorry kung masyadong natagalan... Masyado lang talagang naging busy... Sana magustuhan nyo ang UD ngayong araw... Ennjjooyy!! 😊😊
Third Person's POV
Agad na naglakad ang lalaking tinuro ni Alixson o mas kilala bilang 'Diávolos ' sa underground papuntang gitna ng battle stage.
Wala itong emosyon na makikita sa mukha. At parang inaasahan nitong sya ang pipiliin nilang makalaban. Ng makarating sa battle stage ay agad itong huminto at binigyan ang DDA ng nakakalokong ngisi na ginantihan rin ng lima.
Hindi man alam nila Celine at Alexsa ang nangyayari ay hundi sila nagtangkang magtanong dahil alam nilang may rason kung bakit ito ginagawa ng tatlo nilang kaibigan na ngayon ay nakikipagtitigan sa lalaking makakalaban nila.
Agad na nagsalita ang mc at ipinakilala ang lalaking makakalaban ng DDA.
"Now. Lets see the fight between our queens DDA versus this young man known us unknown! "
"Who will win? Who will remain standing? We are very excited to know the result. So without any farther a do.... Lets start the battle in.... 3.....2....1...."
*Krrrriiinnnggggg*
Pagtunog ng bell ay hudyat na iyon upang magsimula ang laban ngunit nagulat ang lahat ng biglang may tumalon galing sa napakataas na gusali ng arena pababa sa battle stage nito ang dalawang taong nakacloak na itim.
Lumapit rito ang lalaking nakamaskara at ngumisi ng nakakaloko kila Alixson, Gwen at Phoebe na nakatingin lang sa kanila ng blanko.
Samantalang sina Celine at Alexsa naman ay sobrang nagtataka na talaga sa nangyayari at hindi alam kung ano ang gagawin dahil sa namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang grupo.
Tumingin sila kay Phoebe na agad rin tumingin sa dalawa. May nagtatanong na tingin ngunit binigyan lamang niya ito ng isang tango at parang sinasabi na umalis muna sila sa loob ng battle stage na agad rin namang naunawaan ng dalawa kaya agad agad silang naglakad pababa ng stage.
Natira sina Phoebe, Alixson at Gwen kasama ni Unknown at ng dalawang nakacloak sa gitna ng battle stage.
Nagtititigan at nagpapakiramdaman ang anim samantalang parang kinakabahan naman ang syam sa taas ng stage kung saan naroon ang mga gangster na nanonood.
Alam nilang may maling nangyayari at base sa nakikita nila ay hindi ordinaryo ang tatlong kaharap nila Phoebe ngayon.
Balak sana nilang pumunta sa gitna ngunit parang naramdaman ito ng tatlo kaya agad silang napatingin kila Xavier at sinenyasang wag makialam.
Ngunit hindi sila nagpatinag sa tatlo at balak na sanang maglakad ng agad silang samaan ni Phoebe ng tingin kaya kahit na labag sa loob nila ay hindi na nila itinuloy ang gagawin nila.
Masamang loob nilang tinignan ang nangyayari sa battle stage. At nakita nila kung paanong makipag usap sila Phoebe sa tatlo.
Hindi man nila naririnig ang pinag uusapan nila ay alam naman nilang importante ito dahil seryosong seryoso ang tatlo nilang kaibigan kung makipag usap sa kabilang panig.
BINABASA MO ANG
Mawer Academy [Completed]
FantasyA school that is not ordinary.... A school only for the gifted... Those people who are beyond the ordinary.... A school for people who have powers... Those people who are strong.... Powerful..... And special... This is a TAGALOG-ENGLISH story ...