Chapter 53: Gangster World

12.9K 298 5
                                    


Third Person's POV

Agad na pinaharurot ni Phoebe ang kanyang sasakyan kaya walang nagawa ang iba kundi paandarin na rin ang kanilang sasakyan at sundan ang dalaga.

Kahit na takang taka na sila kung saan sila pupunta ay nanatili silang tahimik. Iniisip nila kung may kinalaman ba ito sa paghahanap nila ng perlas ng mga olympians.

Hindi nila lubos maisip kung para saan ang mga hawak nilang sandata at kung bakit pinagbawalan silang gumamit ng kapangyarihan nito.

Nasa iisang sasakyan sila Kristina, Princess, Finn at Gherome. Si Gherome ang nagsilbing driver nila dahil sya lang sa kanilang apat ang marunong magmaneho ng sasakyan.

Samantalang nakasakay rin sa isang sasakyan si Kurt ,Shaun at si Liam na nagmamaneho. Kahit na marunong magmaneho ang dalawa ay mas pinili nalang nilang sumabay nalang kay lIam para hindi sila mahirapan.

Samantalang si Xavier naman ay nakasakay sa isang motorbike na kulay abo na may bahid ng itim. Isa ito sa mga latest na model na ginawa ni Phoebe bago sya lumipat ng paaralan.

Si Xandrick naman ay nakasakay sa isang Mazda Furai. Isa rin ito sa latest model na meron si Phoebe.

(A/N:Mazda Furai picture above

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(A/N:Mazda Furai picture above. )👆👆👆

Balak pa sanang makisakay ni Xandrick kay Phoebe ngunit hindi nya ito nagawa dahil sinamaan sulya ng tingin nito kaya wala syang nagawa kung hindi ang sumakay sa napili nyang kotse na Mazda.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay puro bundok na ang nadadaanan nila. Walang kahit na anong bahay o gusali ang maaaring makita. Tanging matataas na puno lamang ang kanilang nakikita.

Lagpas ala syete na ng gabi, At tanging buwan lang at ang ilaw ng mga sasakyan nila ang nagsisilbing ilaw sa daan. Hanggang sa may makiya silang isang lumang bahay sa may bandang dulo ng daan.

Nakita nilang tumigil ang kotse ni Phoebe sa tapat nito, ganun din si Gwen at Alixson kaya sunod sunod rin nilang inihinto ang kanilang mga sasakyan.

Lumapit sa kanila si Phoebe pagkababa nito ng kanyang kotse at may dala dala itong mga maskara.

Agad na ibinigay ng dalaga ang mga maskara na hawak nya sa kasamahan nya. At sinabing suotin ang mga ito upang walang makakilala sa kanila.

Tumango ang mga ito at agad na isinuot ang kanilang maskara at gayun na lamng ang oagkamangha nila ng biglang magbago ang suot nilang damit.

Mawer Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon