Phoebe's POVNagising ako ng maaga at nakitang tulog pa si Snow sa tabi ko. Tumayo na ako nlsa higaan at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng uniform ko. Isusuot ko na sana ang disguise ko ng nahagip ng mata ko ang sarili ko sa salamin. At gulat ang rumihistro sa mukha ko.
Napansin kong naging mas maputi ako ngayon kaysa dati. Nagbago rin ang itsura ng buhok ko. Nakita kong mas humaba pa ito na aabot na sa pwetan ko at may kulay blue and white ang ibang hibla ng buhok ko. At ang mga mata ko, naging mas dark ang kulay nito parang mas umaapoy ito ngayon kung titignan. At may maliit na snowflakes ang parang nakadikit sa may ibabang mata ko sa may right side nito. Napansin ko rin na humaba ang pilik mata ko kahit mahaba na ito dati. My appearance suddenly change. But how could it be possible?
"Kung nagtataka kayo kung bakit nagiba ang itsura nyo ay dahil po saakin. Sa oras na makilala nyo ang familiar mo ay makukuha nyo ang ilang katangian ko. Kaya wag na po kayong magtaka sa itsura nyo ngayon. Sa katunayan po ay mas lalo pa po kayong gumanda. " sabi nya. Na hindi ko napansing gising na pala.
Tumango nalang ako at isinuot ang disguise ko, at ginawang messy bun ang buhok ko habang natatakpan ng bangs ko ang noo ko.Pagkatapos kong magayos ay napagpasyahan ko ng umalis ng kwarto ko at nakitang nagbagong anyo na si Snow bilang singsing ko.
Nakalabas na ako sa dorm at dumiretso na muna sa cafeteria para kumain. Medyo maaga pa kaya walang masyadong estudyante ang pakalat kalat. Siguro nasa 6:30 palang at 7:30 ang start ng klase namin.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na agad ako sa room ko at nakitang wala pang tao kaya umupo na muna ako sa upuan ko at umub-ob na lang sa lamesa. Mga ilang sandali pa ay may naririnig na akong mga tawanan at mga yabag ng sapatos. At mga presensya nila kaya alam kong nandirito na sila. Hindi ko inangat ang ulo ko para tingnan sila ng biglang nagbukas ang pinto ng classroom. Nanatiling nakaub-ob ang ulo ko sa lamesa at walang pakielam sa kanila.
"Hey, who's that girl sitting on Phoebe's chair? " rinig kong tanong ni Alixson sa kanila.
"I don't know, maybe a transferee. " rinig kong sabi ni Kuert.
"That's impossible. Walang nakakapasok na transferee sa section natin hanggat wala pang nagaganap na elimination battle o kaya ay kung hindi natatalo ang isa sa atin. "Kontra naman ni Gwen.
"Well maube natalo ng isang yan si Phoebe kaya sya na ang nakaupo sa pwestong yan at hindi na sya. " rinig kong sabi naman ni Xandrick, kaya napasmirk nalang ako. May nakatalo na pala sa akin. Ngayon ko lang nalaman.
"That's impossible too. Sa pagkakaalam ko ay wala pang nakakatalo ni isa sa kanya nung nasa mundo pa kami ng mga mortals. At kahit kami ay hindi aya matalo talo kaya imposibleng may makatalo sa kanya ng ganung kadali. "Sabat naman ni Alixson.
"Ang tanong, gumamit ba kayo ng kapangyarihan nun ng nakipaglaban kayo sa kanya? " tanong ni Liam.
Mukhang pinag kakaisahan ako ng mga to ah. Hindi kasi nila makita ang mukha ko kasi nakatalikod ang ulo ko sa kanila habang nakaub-ob sa lamesa. At ang nakikita lang nila ay ang buhok kong nag iba ang kulay. Kaya hindi nila ako nakilala.
"No. Kasi hindi naman namin alam na may alam sya sa mga tulad natin at sa kadahilanang bawal gumamit ng kapangyarihan sa tao. " paliwanag ni Alixson.
"So kaya kayo natalo is dahil hindi kayo gumamit ng kapangyarihan hindi dahil sa malakas sya. " sabat ni Xandrick.
"Oo nga hindi kami gumamit ng kapangyarihan pero ikaw gumamit ka nun ng naglaban kayo pero natalo ka parin nya. " dipensa ni Alixson sa akin.
Narinig ko namang napa tss sya.
BINABASA MO ANG
Mawer Academy [Completed]
FantasyA school that is not ordinary.... A school only for the gifted... Those people who are beyond the ordinary.... A school for people who have powers... Those people who are strong.... Powerful..... And special... This is a TAGALOG-ENGLISH story ...