Phoebe's POVNaglalakad ako ngayon sa hallway papuntang bagong room ko sa fifth floor. Inaantok pa ako at ayaw ko sanang pumasok kaso lang required lahat ng students na pumasok kaya no choice ako kundi ang pumasok ngayon. At sa kinamalas malasan pa ay nasa fifth floor ang mga section ng elites. Kaya dumiretso ako sa elevator, alangan naman maglakad ako hanggang fifth floor.
Ng nasa fifth floor na ako ay agad akong lumabas at napansin na wala nang tao.
'Late na talaga ako' sabi ko sa isip ko. Kaya pumunta na akong room ko. Pagkarating ko sa tapat ng room ay may naririnig akong mga ingay.
"Wala pa ba ang teacher?" Tanong ko sa sarili.
Kaya hindi na ako nag abalang kumatok at dumiretso sa loob. Doon ko nakita kung bakit may naririnig akong ingay dito sa loob. May nag aaway pala na dalawang estudyante. At yung ingay ay nanggagaling sa mga nakapalibot sa dalawa. Mukhang chine cheer nila ang pambato nila.
Nasa sampu lang ang andito sa loob pero ang iingay nila. Dinaig pa nila ang isang section na may tatlumpong estudyante sa kaingayan nila.
"Woohh!...Go Drick! Panalunin mo yan ah. Malaki laki rin ang ipinusta ko sayo! " sigaw ng isang pamilyar na boses babae. Na nakapag irita sa akin. Bakit nandito sila. Kaklase ko pala sila. Di man lang sinabi sa kin.
Kung tinatanong nyo kung sino. Sila Alixson at Gwen lang naman. At si alixson yung sumigaw kanina. Habang si Gwen ay nakaupo lang sa isang tabi sa likuran.
Hindi ko nalang pinansin ang nag aaway at dumiretso kung nasaan si Gwen. Napansin naman nya at tumingin sa akin. Umupo ako sa tabi nya. Katabi ko ang bintana at sya.
|| Window-ako-gwen- vacant ||
Yan ang arrangement namin. Tahimik lang kami ni Gwen. Habang yung iba ay nagsisigawan parin dahil sa dalawang nag aaway.
Hindi pa ba darating ang teacher? Naririndi na ako rito dahil sa ingay nila. Kapag hindi talaga ako nakapag timpi makakatikim talaga silang lahat sa akin.
Ilang sandali pa ay naramdaman kong tumayo si Gwen kaya napatingin ako sa kanya.
"San ka pupunta? " tanong ko.
"Library. " maikling sabi nya at lumabas na.
Pero bago pa sya makalabas ay binasa ko kung anong nasa isip nya. Pero sana hindi ko nalang ginawa dahil napakawalang kwenta naman pala.
'Kailangan ko magbasa ng libro. Libro. Libro. libro. Libro. Libro. Libro. Libro. ' yan ang nasa isip nya ngayon.
Tsk. Malala na tong si Gwen. Libro nalang ang nasa utak nya.
Binalik ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana. Habang sila ay nagsisigawan parin. Tinitiis ko na lang ang mga yun dahil ayaw kong magalit. Baka kung ano pang magawa ko sa kanila.
"G*go ka Xandrick! Anong karapatan mong landiin at agawin sya sa akin?! " rinig kong sigaw ng isang boses lalaki.
"Anong inagaw?! Hindi ko inagaw sayo yang girlfriend mo! Sya yung lumapit sa akin. Sya rin ang lumalandi sa akin! Kaya wag na wag mo akong sasabihang g*go! " sigaw pabalik ng isang lalaki na Xandrick ata ang pangalan.
"Kahit kailan hindi yan magagawa ni Elisa na landiin ka dahil mahal nya ako! Sabihin mo ikaw ang lumalandi sa kanya! "
"G*go ka pala eh. Mahal ka ba nun, eh nilalandi na ang ibang lalaki. Kilala mo naman ang babaeng yun. Masyadong malandi halos lahat na ata naging syota yun. "
"Hindi! Hindi! Hindi nya yun magagawa! Sinasabi mo lang yan dahil gusto mong agawin sya sa akin! Papatayin kita! "
At nagsimula ng maglaban yung dalawa. Samantalang tuloy lang sa pagchi cheer yung nanonood. Mukhang wala silang balak patigilin yung dalawa.
"Ahhhhhh! " narinig kong sigaw ng lalaki at bigla nalang akong may naramdamang tumama sa akin.
Hindi ko napansin kaya natamaan ako sa tagiliran.Tinignan ko naman ito at nakita kong isang dagger ang nakatarak sa tagiliran ko. Bigla naman nablanko ang isip ko.
Alixson POV
Sigaw lang ako ng sigaw dahil sa dalawang naglalaban. Bwiset kasi tong si Xandrick. Alam naman nyang nilalandi sya ni Elisa. Hindi man lang nya nilalayuan. Yan tuloy nakaaway pa si Fire. Alam naman nyang syota yun ni Elisa. Pero nagpusta ako ng malaki hahahaha may pustahan kasi kaming mga nanonood. Hahaha syempre kay Xandrick ako bumoto.
Hahaha nag aaway na nga pinag pustahan pa namin. Well hindi naman na bago yun. Madalas ng mangyari ang ganito rito. Hindi naman kasi kani sinisita ng teacher basta wag lang daw papatay.
"Ahhhhhh" sigaw ni Fire at binato ang isang dagger papunta kay Drick ngunit nakaiwas sya susugod na sana si drick ngunit bigla sila napahinto at biglang tumahimik ang buong room dahil sa bigla kaming nakaramdam ng lamig at pangingilabot. Pero parang pamilyar sa akin ang pressence na yun.
"Who own this dagger? " napakacold na tanong sa amin ng isang boses babae.
Bigla naman kami napalingon sa pinanggalingan ng boses at laking gulat kong si Phoebe pala ang nagsalita. Kaya naman pala napakapamilyar ng lamig at pangingilabot na naramdaman ko kanina sa kanya pala yun nanggaling.
Yung feeling na gugustuhin mo pang mapunta sa impyerno wag lang maramdaman ang ganitong lamig at ngilabot at hindi makalaban ang taong nagpaparamdam nito sayo.
Kaya takot na takot ang mga tao sa kanya noong nandon pa kami sa dati naming school."I repeat. Who own this dagger. "Ulit nya at pinakita sa amin ang dagger na may dugo pa. Napansin kong nagkulay pula ang coat nya na white sa tagiliran dahil sa dugo.
Pero ni isa ay walang sumagot. Di ko alam kung takot ba sila o wala lang pakielam dahil nakayuko lang ako. Hindi ko kayang tignan sya sa mata dahil natatakot ako sa kanya ngayon.
"Wala talagang sasagot? " cold na sabi nya. At muntikan na akong matumba dahil sa panginginig ng tuhod ko. Buti nalang may upuan sa gilid ko kaya nakahawak ako at nabalanse ko ang sarili ko. Minsan lang kasi sya magtagalog at pag ganyan ang tono nya ng pagtatagalog, ibig sabihin naiinis na sya.
"A-ako bakit? " medyo utal na sabi ni Fire. Kaya napatingin kami sa kanya.
"Ahhhhhhh! Shit! " daing ni Fire.
At sa bilis na pangyayari ay may nakatarak na na dagger sa tyan niya. Halatang nagulat ang nandito ngayon dahil hindi man lang namin napansin ang ginawa nyang yun. Napakabilis ng nangyari.
"Next time don't fight when I'm around, or else you will face hell. " sabi nya at lumabas na ng room.
-----------------------------------------------------
A/N
Please vote and support.
Hindi ko po alam kung kailan ulit ako makakapag update.
Maghintay nalang po muna kayo ahh. Pasensya na talaga. Medyo busy lang.
ace_han02
BINABASA MO ANG
Mawer Academy [Completed]
FantasyA school that is not ordinary.... A school only for the gifted... Those people who are beyond the ordinary.... A school for people who have powers... Those people who are strong.... Powerful..... And special... This is a TAGALOG-ENGLISH story ...