Chapter 2 - Love at first sight

330 11 1
                                    

Jeynelle Pov

Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong niyakap si nanay "nay!! Tinanggap na ako sa trabaho!!!" Masayang balita ko sa kanya sabay sinunggaban ko siya ng yakap.

"Waa ang talino mo talaga anak kahit alam kong hindi naman" nangingiyak na biro sa akin ni nanay, huhu hindi kasi ako ginawang matalino ng Diyos eh kaya ganito napakaimposible kasi sa isang kumpanya, tinanggap ako bilang Secretary.

Nakita kong gulat na lumabas si ate Jello galing sa kanyang tinataguang silong "huwaa! Talaga bebe? Naku! Paparty na Lola mo" naiiyak niya ding sinabi. Huhu hindi ko alam kung bakit silang lahat umiiyak, pati ako naiiyak na din.

Bakit ba Kami umiiyak eh hindi naman lamayan ngayon.

"Anak! Kung alam lang ito ng tatay mo siguro masaya na siya pero kasi nasa ibang bansa at may ibang pamilya na ama mong loko eh" sambit pa sa akin ni nanay, nasasaktan ako kasi naalala ko na naman yung sinabi niya. Huhu si tatay ayaw na sa amin ni nanay... Wala na ata siyang pakialam sa amin...

"Nanay..." kumalas ako sa pagkakayakap tsaka siya tinignan, yung gripo sa aking mata ay biglang tumigil "n-nanay sira na yung eye liner niyo" sabi ko sa kanya, huhu nagkalat tuloy yung ink ng eyeliner niya sa pisngi.

Nilapitan ko naman si ate Jello "kabog kasi yang mukha mo bebe kaya tinanggap ka agad sa trabaho" sabi niya sa akin tsaka ako hinplos sa braso, alam kong nagseselos siya sa makinis kong katawan, akalain mo nga naman diba? Maganda ako at nagmana siyempre kay nanay.

"Ate Jello salamat sa pagmake up at pag-ayos ng buhok ko ha?" Pasasalamat ko sa kanya, akala mo naman may beauty contest akong sasalihan kaya kabog siyang ayusan ako. Pero okay na din para mainlove sa akin si sir hehe. Umupo ako sa bench katabi ni ate Jello.

"anak, May boss ka ba doon?" Tanong sa akin ni nanay pagkaupo niya sa tabi ko. Boss diba ang CEO? Hindi ko kasi alam eh bakit kaya Chief? Diba dapat manager?

"Yes nanay tsaka alam niyo ba, ang gwapo at ang yaman ng boss ko?" Sabik kong ibalita kila ate Jello at nanay, sana magustuhan niya din ako... huhu crush ko na siya ngayon.

Naramdaman ko namang hinampas ako ni ate Jello ng mahina sa braso "ikaw naman bebe... love at first sight ba yan?" Nakataas kilay niyang tinanong sa akin sabay kumuha ng lipstick.

"Baka ate? Waa kung pinicturan ko lang siya ngayon siguro magugustuhan niyo din yung itsura niya" gusto ko pang bumalik sa kumpanya para tignan yung gwapo niyang mukha... I mean! Titigan pala!

"Sus... bebe huwag mong sabihing crush mo na" natatawang bolero sa akin ni ate Jello tsaka sinimulang hawiin ang bawat hibla ng aking buhok.

Oooohhh crush?? Huhu gusto ko maging crush siya, Mutual Understanding kaya kami? Psh alam kong hindi na yun mangyayari. Malabo kasi posibleng milyong babae ang pwedeng magkagusto sa kanya tsaka baka naman yung piliin niyang mga babaeng may hugis ang katawan at maganda... o di kaya matalino? Eh hindi naman ako matalino tulad nila Einstein, Archemedes o di kaya si Descartes.

Inilingan ko nalang si ate Jello,  nakakaramdam ako ng konting lungkot kahit na nanhingibabaw yung ligayang nakamit ko "ate Jello... magkakagusto din kaya sa akin si boss ko?" Nakanguso kong tinanong sabay huminga ng malalim.

Hayy sana maswerte ako kasi may nakilala akong tulad niya... mabait naman ata siya di tulad ng mga nababasa ko sa libro o sa mga teleseryeng napapanood ko.

"Siyempre naman bebe alam mo? Mas mukha kang diyosa kaysa sa mga babaeng nakikita mo sa kalsada" maarte niyang pinuri sa akin and he pinched the point of my nose.

Parang totoo ata ang sinasabi ni ate Jello diba? "Nanay, Wala naman pong masama maging hangin diba?" Kawalang kwenta kong tinanong sa kanya na agad naman niyang sinagot ng tango sabay niyakap ako ng mahigpit.

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon