Chapter 40 - Warden's Duty

129 3 0
                                    

Janella Verga's Pov

Nakasunod kaming dalawa ni Jello sa sasakyan ni Prince, bwisit talaga ang babaeng iyon, si Rebecca. Pag sa oras lang na makita ko siya ay Hindi ako magdadalawang-isip na kalbuhin ko yon.

Walang hiya, siya pa ang nangkidnap ng anak ko!?

*flashback*

Habang may kausap ako sa telepono ay nakaramdam ako na parang may pumasok dito sa bahay, wala naman sila bakla dito at alam kong may galaan pa yung tatlong siopao na yon.

Binaba ko saglit ang telepono at nakita ko ang dalawang estrangherong pumasok sa pamamahay ko, tatawag na sana ako ng pulis dahil hawak ko na ang telepono kaso agad namang nakita ng mata ko ang weapon na hawak ng isang babae.

Sindikato ba sila at may kakayahang gumawa ng krimen dito? Huh kalbuhin ko sila diyan.

"Ms. Janella Elisha Verga-Campos" nakangising tawag sa akin nung lalaki, mukhang demonyo tsk totoo ba itong narinig ko? Tinawag niya ako sa full name?

"hello? Kilala ko ba kayo? Bakit alam niyo yung pangalan ko?" Sinalubong ko silang dalawa ng kunyaring matamis na ngiti pero sa loob-looban ko ay natatakot na ako.

Lumapit sa akin yung lalaki at may sinabing "because you're the illegal wife of Mr. Campos" tsaka siya lumipat ng likod, alam niyo yung mga strategy na ginagawa ng isang kalaban sa pelikula? Parang nananakot sila kasi lumulipat sa likod ng bida. Ang lupet no? Para kaming nasa teleserye.

"Illegal wife? Si... Rebecca ang legal?" Nakangiti kong tinanong, nasasaktan ako kaya dinadaan ko nalang sa ngiti, alam ko na ito matagal na pero Hindi ko alam kung paano ako naging illegal at ang bruha ang legal.

"yes Ms. Verga" at sabay natawa siya. Luh? Baliw lang?

"Tauhan ba kayo nung babaeng iyon?" Tanong ko pa, Hindi ko pinapahalata na may nalalaman akong tauhan sila, malay mo nacucurious lang ako diba? Kaya pinapakita ko lang ang lahat ng ekspresyon ko ngayon sa kanila ng peke.

"Huwag ka ng magtanong like you actually know us that far... we are here to confess one thing that surely will break your heart down" nakangising sinabi nung babae. Ang creepy na nila tignan, kasi sino nga bang tao ang matatawa sa walang sensyang katutuwan diba? Tapos ngingisi-ngisi sila diyan na akala mo pang-antagonista yung peg, alam niyo lang? Yung ngisi nila? Pang-kabaliwan lang. Pwe.

"Anong ibig mong sabihin?" Dahil sa asar ko sa pinaggagawa nila, tinanong ko sila ng pagkaseryoso.

Lumapit sa akin yung lalaki at pumagitan sa tainga ko, siguro may ibubulong ito. Sus nahiya pa ang loko, di nalang sinabi ng marinig din nung babae.

"Hindi mo anak si Jeynelle sapagkat niloko ka lang ng asawa mo..."

Sabi niya, nanlaki ang mga mata ko sa kaniya, nararamdaman kong may mainit na parte sa mata ko ang nagsisimula ng mag-ipon ng tubig "A-ano?" Naguguluhan kong tinanong.

"Sabi ko po... anak ni Mrs. Rebecca Anne Fuertobuentes-Campos si Jeynelle... kunyaring buhay ang anak niyo per sa totoo lang, niloko kayo ni sir Campos" nakangising sinabi nung lalaki, napakademonyo talaga nung Rebecca na yun. Nang-aagaw ba siya ng anak nung may-anak na?

"Wake up Ms. Verga, he lied... he hid this secret to you, kinuha niya ang anak ni Ms. Rebecca at pinakita niyang nabuhay kunyari ang anak niyo" sabi nung babae na nakangisi din. Anong wake up? Tanga ba sila o bulag? Nagsasalita ako oh tsaka dilat na dilat ang mata ko. Tsk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon