Chapter 12 - Welcome Good luck and bad luck

88 3 0
                                    

Jeynelle

Pagkalabas ko galing sa room ko ay dapat tutungo pa ako sa information room nang biglang may humatak sa akin papunta sa private room.

Hindi ko ito masyadong makita dahil sa bilis ng kilos nung humatak sa akin, kinulong niya ako sa kanyang dalawang kamay at ako ngayon ay nakasandal sa pader, kaharap siya... tinignan ko ito ng maayos kung sino at nanlaki naman ang aking mga mata nang natagpuan kong si sir Ethan pala.

"S-s-s-sir" kinakabahan kong tinawag sa kanya, yung dugo na dumadaloy sa katawan ko ay biglang nagsi-akyat sa ulo ko. Ano ba naman ito.

"Jeynelle may sasabihin ako, sana matanggap mo" bulong niya, oh no! Pagsasamantalaha na ba niya ako ngayon dito?? Huhu di pa ako nakakayakap kay nanay tapos biglaan niya akong gagalawin?

Magiging pangit ang dreams ko nito huhu... "s-sir ano p-po?" Sana positibo at maganda ang lumabas sa kanyang bibig.

Ngumiti ito at tinignan ang mata ko ng diretso, he's raping me with his two beautiful eyes "I want you to take home in my colony" tipid at meaningful niyang sinabi sa akin.

Nakatingin lang ako sa dalawa niyang mata, ang pinagtatakha ko... Bakit naman niya ako iuuwi sa bahay niya eh may bahay naman ako.

Oh no! 0_0 ibig bang sabihin doon na niya talaga ako patitirahin sa bahay niya!!?? Tapos anong mangyayari?? Pagsasamantalahan na ba ako ni sir? Bakit ba napakailusyunada ko?

"Eh?? S-sir seryoso naman po ba kayo diyan? Parang hindi naman eh he-he" kunyari natatawa kong sinabi sa kanya, seryoso ang kanyang mukha at walang emosyon ang kanyang mga matang nakatingin din sa akin.

Tumango ito ng marahan "later... sa bahay ka na namin ni kuya Prince" sabi nito sabay nilapit pa ang mukha sa aking mukha. Ito na ata ang kinakatakutan ko sa lahat... yung pagnasahan ako gamit yung mukha at mata niya huhuhu...

"Sir magtatrabaho pa po ako, sige" gusto kong umalis kaya naman agad ko siyang tinulak ng dahan-dahan pero mas lalo siyang lumalapit sa akin.

"Tsk. Yung sinabi kong ikaw ang magiging representative ha" may galit niyang sinabi T_T galit siya? Baka naman nainis siya kasi sinusubukan ko siyang tulakin paalis.

Buti di ako nalintikan dito. "Sige, go back to work" sinunod ko naman yung sinabi niya nang umalis na siya sa harapan ko.

Nakakahiya naman... panira ata ako ng moment eh, sabi ko kasi sa inyo di ako maganda. Nagiging maganda lang ako pag maayos na yung line ng kilay ko.

Saan ako ngayon tutungo?? Huhu speech less ako Kay sir eh. Tumungo nalang ulit ako sa room ko tsaka tinawagan si nanay. Iba ang nararamdaman ko ngayon, imbis na matuwa kasi iuuwi ako ni sir sa kanyang bahay ay mas lalo kong nararamdaman parang hindi maganda ito.

Malay mo may gawin si sir sa akin. Maging Anastasia pa ako ng Fifty shades of grey T_T

Ring...

"Hello nay" bati ko sa kanya nung napag-isipan na din niyang tawagan ako.

[Hello anak... mamaya na kami aalis nila ateng baklushiba bekimon badingga] si nanay mukhang nahahawa na din kila ateng Bekis. Kahit babae siya, tignan niyo ang galing at ang fluent na magsalita ng baklang wika.

"Nay ano nangyari sayo?? Nay may balita ako" nag-aalala kong sinabi sa kanya. Dapat sabihin ko agad na iuuwi na ako ni sir mamay sa kanyang bahay. Ano kaya ako? Binebentang bagay kaya parang bibilhin at iuuwi niya ako? Hayy.

[Anong balita nak? Balitang hatid ng matang lawin ba kamo??"] Walang kwenta niyang tinanong.

"Nay iuuwi ako ni sir Ethan sa kanyang bahay mamaya, ihanda mo na po diyan yung damit ko baka kasi maya-maya kunin na ako dito eh" malungkot kong sinabi pero infairness ano kaya mukha ng bahay ni sir? May salon din ba kaya doon?

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon