Chapter 27 - Stalking

69 2 0
                                    

Jeynelle Pov

Bumalik na kami ni Ethan doon sa table namin, siya naman kasi umalis pa kaya yun may umupo na tuloy, ngayon buti nalang nakahanap na kami ng available na upuan.

"Hayy huwag ka na ngang mag-alala sa akin, nilapitan mo pa kasi ako eh" naiinis kong sinabi sa kanya at nilapag na yung mga pagkain na nasa food board. Inirapan niya ako.

"Tsk o sige, sa susunod di na ako mag-aalala sayo ha? Tsaka masama sa mga magaganda ang pinaghihintay ng matagal no" umupo na din siya doon sa upuan.

"Maganda?" Lalaki siya diba?

Bigla namang lumaki ang kanyang dalawang mata at ngumanga na kumbaga nagulat pa siya mismo sa sinabi ko "uhm.... magandang.... magandang lalaki... diba??" Oo nga naman. Huminga na din ako ng malalim sabay umupo na sa upuan.

Siyempre masarap ang inorder kong mga pagkain, yung ilan mga street foods hehe. Favorite ko pa naman yung barbecue hihi ^_^

"Ano bang mga pagkain ito at parang ngayon ko lang ata nakita?" Nakataad-kilay na tanong ni Ethan sa akin, nginitian ko siya, muntik ko na ngang mapagsabihan siyang tanga eh kasi Filipino hindi alam ang mga ganitong luto? Diba? Nakakahiya ata yun. Naalala ko bigla na mayaman pala siya so hindi pa ata niya natitikman ang mga lutong pinoy!

"Mga Filipino fishes yan, tawag dun Pancit tapos ito naman bibingka" turo ko sa mga pagkain, karamihan ngang mga kasama namin dito mukhang mayayaman eh, bagay si Ethan dito pero siyempre ako din no, mag-asawa kami so possibly na mayaman na din ako.

"Fishes? Nasaan ang isda diyan Jeynelle? Naghahallucinate ka na naman" nawala yung ngiti ko nung narinig ko ang kanyang mga salita, sinubukan kong iscan ang mga pagkain sa lamesa at Oo nga, walang isda.

Bakit ko naman sinabing fishes kung Hindi naman ako nag-order nun kasi nga allergy siya?

"Ay iba kasi meaning, di ko alam kung anong word sa English yun eh. Basta Filipino FISHES hehe" pwede naman yun, at least yung bangus, pambansang isda sa Pilipinas...

Anong connect? Nasisiraan na ata ako?

"Tsk Jeynelle" umiling si hubbycoh sabay humalukipkip, tinignan lang niya ang mga pagkain mukhang nawawalan siya ng gana kasi tignan niyo naman oh... malungkot ang napakagwapo niyang mukha. Hindi kaya bagay tignan.

"Ethan? Ayaw mo ba ng pagkain?" Tanong ko, hindi naman niya sinagot yung tanong ko... ang dami pa naman, sino kaya uubos nitong mga pagkain? "Gusto mo ba ng dessert? Ice cream? J.Col? Dairy milk yung ice cream? Or yung dairy queen, chocolate naman yun. Baka gusto mo Dunking Dognut?" Nakangising tanong ko, yiiiee masarap tikman yang mga pagkain hehe.

Sinamaan niya ako ng tingin sabay nagpakawala ng malalim na hininga, umayos na din siya ng upo "FILIPINO DISHES, HINDI FISHES, OKAY?"

Natauhan ako, ah yun, Fishes pala.

Sabay mas lalo pa niya ako binigyan ng nakakaaamang tingin "J.CO HINDI J*KOL OKAY?" Ang bastos naman nito ng hubbycoh paran Wala naman akong sinabing juvakul na ganyan.

"Jeycol ang pronunciation ko hubbycoh"

"J.col at J*kol halos magkapareho lang pakinggan! DAIRY MILK AT CHOCOLATE AT YUNG DAIRY QUEEN, YUN YUNG ICE CREAM, TSAKA HULI, DUNKIN' DOUGNUT HA?" Pasigaw na niyang sinabi yan, Oo na tsaka ko lang naalala, alam niyo naman ang buhay ng isang mahirap diba? Hindi alam ang ganyang mga branches.

Huhu lalo na yung J.col. T_T

"Ah alam ko na, gusto mo sa Choking?" Pang-iiba ko ng decision, diba fast food restaurant doon? Pero chicken nga lang ang kakainin ko kaya wala din.

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon