Chapter 15 - Glorietta Mall (Part 1)

52 3 0
                                    

Jeynelle

Ang sarap ng kinakain ko, inubos ko yung breakfast na niluto sa akin ni Ethan, sayang naman kasi kung iiwanan lang namin diyan sa lamesa tapos mapapanis hay, buhay nga naman ng isang mayaman, rich kid is real.

Sana marunong din ako magluto ng ganitong masasarap na appetizers eh puro itlog at hotdog nga lang ang alam kong lutuin eh. "Wifeycoh Bakit di ka pa maliligo? Aalis tayo diba?" Tanong niya sa akin. "Alam kong hindi ka taong grasa para ubusin yan lahat" Bungad niya sa akin nung nakita niya akong inuubos pa yung pagkain.

"Hindi mo ba alam masama iwanan ang pagkain ng hindi inuubos? Sige ka maglalakad yung kanin paalis" paliwanag ko sa kanya tsaka kumain na ulit, sana nagkakamay nalang ako kaysa sa gumamit pa ako ng bread knife hayy.

Bread knife nga eh hindi naman ginagamit panghiwa ng tinapay, ano kaya yun? Actually sabi pa ni Ethan, gamitin ko daw ito panghiwa ng hipon, kailan kaya naging bread ang hipon?

"May paa ba ang kanin? Wake up on your dreams hon" sabi niya sa akin na ikinakunot noo ko, mga yayamanin masyadong maarte para ubusin ang pagkain.

"Tsaka hindi mo din ba alam na maraming nagugutom tapos ikaw di mo uubusin ang pagkain?" Tanong ko sa kanya na may halong iling kumbaga parang nadidissappoint ako.

"May charity kami ni kuya kaya nakakatulong din sa mga bata, bilisan mo at maliligo ka pa" sabi niya sa akin sabay mabilis akong kinurot sa pisngi, ano ba naman yan, imbis na halikan nalang sa pisngi hindi niya pa ginawa.

Saan ba kami pupunta? Diba sa mall? Hmm ano kaya bibilhin ko sa grocery? Diba palengke din yon? Tilapia at bangus nalang para tigsikwenta lang ang presyo per kilo.

After some moments later...

Pagkalabas ko ng room ko, nakasuot ako ng long sleeve dress, kailangan magmukhang mayaman kasi alam mo namang may asawa akong isang mayaman kaya dapat ang wifu niya ay mayaman din hehe.

Kamusta na din kaya sila nanay? I hope na maayos lang sila, hayaan niyo na sila, mga bratz naman yung apat na yon eh hehe, bratz hindi brat, sumbong ko kayo sige haha.

*door open*

"Jeynelle are you---"

Nilingon ko si Ethan ng matching flip hair para kabog ang dating sa kanya. "Yes hubbycoh? What do you need?" Mapang-akit kong tinanong, mag-asawa na diba kami? Ang alam ko pag mag-asawa na kailangan best in bed na eh... diba? Excited pa naman ako, ready naman itong katawan ko sa kanya kaya hindi na kailangan magpaalam sa iba kung pwede.

"B-b-b-Bakit ka nakasuot ng ganyan?" Tanong niya sa akin, nauutal pa siya... di kaya naiilangan siya? Ito kasi ang dress na sinusuot ko pagrumarampa sa gabi doon sa kalsada namin.

Black beauty tawag doon.

Kahit gabi rumarampa, mukha nga kaming mga engkantong gumagala o di kaya sindikato hehe, kawawa naman pag topless ang isang lalaki tsaka payatot pa at matangkad masyado... pagkakamalan yun ng...

Tikbalang.

"Bakit Hon? Ayaw mo ba? Napapaakit ka no?" Nakangisi kong tanong, Wala pa ngang stockings ito eh actually bibili palang ako sa mall hehe.

Umiling ito "nakakailang... pero sige na nga Oo na, Tara na baka matraffic pa tayo" sabi niya habang tinitignan ang relo sa kanyang wrist. Nagtakha naman ako kung kailan hindi nawawala ang traffic dito sa Pilipinas.

"Sir populated place po ang Manila kaya imposibleng mawawalan po ng
traffic" word of wisdom kong sinabi sa kanya na ikinaangat lang ng kanyang kilay.


Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon