Chapter 17 - Fashionista 101

54 2 0
                                    

Jeynelle

"Hubbycoh Sino mag memake-up sa akin?" Tanong ko sa kanya, parang hindi naman Kami nagtawag ng organizer na magmemake up sa akin?

"Ako" sabi niya.


"Ikaw? Lalaki ka baka pumangit pa ang make-up ko" nakakagulat naman na siya ang magmemake up sa akin. Kilabutin ka naman oh. Kalalaking tao akala mo maganda kung magmake-up sa mukha ng babae.

"Maupo ka dito" tinuro niya ang upuan ng vanity table sa kwarto ko, sinunod ko naman siya, tignan natin kung magaling talaga siyang magmake-up. "Eto yung mukha ng magiging fashion bukas" inabot niya sa akin ang isang papel na may picture at concept.

Nakita ko namang mga bongga ang suot ng mga babae sa platform tapos may microphone sa harap "anong gagawin Bakit may Mic sa harap?"

"Speech" kinutuban naman ako nung narinig ko yun, s-s-s-s-speach?? "Kailangan may maisip ka ng speech about sa company natin and being a wife of me" paliwanag ni Ethan habang may hinahanap sa bag na puno ng mga make-up equipment and tools.

"Paanong speech? Tulungan mo ako dito" huhu nung elementary, Hugh school at college nga ako, hindi ko naranasang magspeech sa harap ng tao eh. Hindi naman kasi ako valedictorian o salutatorian. Yan din ang sagot kung bakit hindi ako matalino.

"Tutulungan kita pag may mood ako pero halos lahat ng concept dapat sayo ang manggagaling" tsaka niya ginalaw ang aking mukha, pinunan niya muna ito ng concealer para makinis ang dating ng beauty kong feslak. Hehe mga gay words ko nga naman nagiging influence ng tatlong baklushiba sa amin.

Gay? Wait lang... "Ethan saan at paano ka natutong magpinta ng mukha?" Tanong ko sa kanya na nakakunot noo, nakakapagtakha naman kung lalaki ang magmemake-up pero may ilan din akong napapanood na lalaki ang nagpipinta pero para sa akin kasi, bakla lang ang marunong magpinta ng mukha.


"Uhh sa kapatid ko" what the?? o_O


"Bakla si sir Prince?"

"I mean sa isa ko pang kapatid" ahh akala ko bakla si sir Prince kaya nagpaturo itong si Ethan sa kanya pag nagkataon lang naku! Hindi ko hahayaan ang sarili kong basagin ang napakagwapo niyang mukha, pasalamat kayo may slight crush ako sa kanya tsk.

"Sister? Sino naman Ethan? Gusto kong makilala hehe baka nga maging bff ko pa siya" matamis kong sinabi, ang sweet kaya kung kaibigan ko din ang isa niyang kapatid para talagang maganda ang relationship ng Campos sa Calvacantes.

"Wala siya dito, nasa uhh--- nasa---" mukhang nag-iisip pa siya kung saang Lugar ang isa niyang kapatid "sa California, oo doon" sabi nito sa akin, parang hindi naman katiwala-tiwala ang sinabi niya.

"California? Malaki yun ha? Saan Banda doon?"

"Malay ko. Pwede bang manahimik ka nalang at aayusan kita ng maayos" pansin ko ngang tumigil siya sa kakamake-up sa akin kasi sobrang daldal ko.


"Hehe Oo naman pwede. Ititikom ko na ha?" Mamaya susubukan ko ngang itanong kay sir Prince kung saan Banda sa California yung isa nilang kapatid.

Many moments...

"Yan tapos na" dinilat ko unti-unti ang aking mata nung matapos na niya akong make-upan. Hinarap ko naman ang aking sarili sa malaking salamin na nasa likod ko lang.

"Oh no" Hindi makapaniwalang sinabi ko.

"May problema ba?"

"Oh my god!!! Ahhhhhh!!!" Tili ko nung nakita ko ang aking sarili na... na...


Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon