Chapter 24 - Wrong Thoughts

61 2 0
                                    

Jeynelle Pov

Bumalik kami doon sa bahay ni Theresa para naman tignan kung kamusta na ang pakiramdam ni Ethan, hehe. Bugot siguro yun.

Nung nakita niya Kaming dalawa ni Prince ay agad siyang nagsalita "Tsk ayoko na dito, alis na tayo" nakahalukipkip at nakakunot noo niyang sinabi sa amin, mukha siyang baby face na nagagalit hehe, kung alam niyo lang yung the face niya.

"Matapang ka diba? Maligo na tayo para makaalis na din" nakapamulsang sinabi ni Prince sabay pumasok na sa loob ng bahay. Naiwan kaming dalawa ni Ethan dito sa labas, hinintay ko nalang siyang tumayo at bumalik doon sa bahay pero mukhang hindi niya planong pumasok sa loob.

Nginitian ko siya nung tumingin siya sa akin, nakatayo lang ako dito na nakangiti sa kanya ng malapad, siguro iniisip niyang murderer ako kaya nakangiti ako ng parang wala sa oras.

Huminga siya ng malalim "Halika nga dito" mahina niyang sinabi pero narinig ko naman, May pagka-inis yung sinabi niya ha.

Naiinis siguro ito sa ngiti ko, yiieee daig ko pa ata ang emoji na malaki ang ngiti eh. "Anong me---waaa!"

"PAGSINABI KONG HALIKA, LUMAPIT KA AGAD!" Galit niyang tinanong sa akin habang mahigpit na nakahawak sa forearm ko. Bakit galit siya? Wala naman akong giangawang masama ha? Mainitin talaga ang ulo nito.

"Oo na" nakanguso kong sinabi sabay umiwas ng tingin sa kanya, huhu nagiging bayolente na din ito minsan si Ethan ha.

Naramdaman niya akong hinila papasok sa loob ng kwarto tsaka kami umakyat sa second floor at nag-explore este pumunta doon sa room namin ni Theresa.

"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko ng hindi ko siya tinitignan, mamaya nakakamatay na tingin ang ibigay niya sa akin, huhu.

"Maligo ka na, aalis na din tayo" tipid niyang sinabi sa akin tsaka siya umupo sa kama namin ni Theresa at pinagmasdan ang gagawin ko, "anong hinihintay mo? Lumubog ang barko sa labas?" Nakataas kilay niyang tinanong sa akin.

Galitin, mahigpit at masungitin pa, yan din naman ang gusto ko sa tipong lalaki. "Ano? Maghuhubad ako sa harap mo?" Tanong ko sa kanya, nakakahiya kaya tapos parang babalik ako sa dati, yung dating stripper pa ako at nang-aakit ng mga kalalakihan.

"Pwede din?" Nagtatanong niyang sinagot, hindi kaya maging awkward itong moment? Hayy hayaan na nga, mag-asawa naman kami pero ang problema nga lang... Hindi pa kami nag-aano.

Oo yung ano, basta yung ano. Di pa kami nag-aano, tsk ano.

"Pagkatapos mo, ako naman ang maliligo" sabi niya sa akin tsaka nilagay yung dalawang siko sa magkabila niyang hita na nakaupo. Tinitignan niya ako kung paano maghubad ng damit.

Tutorial ba kamo?


Nakasuot ako ng color violet na T-shirt na may parang yellow elephant sa right side nito tapos v-neck pa. Nakashorts ako ng green na stripes at hanggang sa tuhod lang ito. Mukha akong mahirap dito pero talagang sanay akong magsuot ng ganitong damit.

Hinubad ko yung t-shirt ko pataas sa kadahilanang makikita niya ang dibdib ko kaya tumalikod nalang ako, mamaya pagnasahan pa ako niyan, bad si Ethan pag nagkataon ginawa niya yun. Color red ang bra ko tsaka alam kong mas nakakahiya kung makikita niya ang undie ko.

Tsk ang awkward naman, "ang sexy mo tignan Jeynelle" mabagal at parang chinecheck pa niya ang buong katawan ko, nakashorts palang ako pero wala na akong t-shirt, di ko planong hubarin ang shorts ko sa harap niya.

Tumakbo agad ako papunta doon sa banyo, good thing dahil hindi ako nadulas at nabagok ang ulo dito sa maliit na basurahan. Tangek ko pa naman pagdating sa mga restrooms.


Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon