Chapter 34 - My mother

40 1 0
                                    

Theresa's Pov

"Theresa!"

Narinig kong sigaw sa akin ng isang tinig na nanggagaling sa pinto ng entrance door nitong ospital. Narito na pala sila Gian at Stacey, itong babaeng ito nakangiti pa by nakakaloko. "Gian" sagot ko pabalik.

Ngumiti ito sa akin ng normal "si tita? May balita na ba sa kanya?" Tanong nito agad sa akin pagkalapit sa aking kinaroroonan, nakita kong may kasunod din siyang mga tauhan sa likod at alam ko namang kay tita may-ari niyan.

Nginitian ko siya pabalik "uhm wala pang balita eh" sabi ko sa kanya, nilipat ko ang tingin kay Stacey, nakatingin ito ng malayo at halatang di siya nakikihalo-bilo sa usapan namin.

May kinalaman itong dalawa sa aksidente ni tita pero sino naman kaya magtatangkang sumagasa kay tita diba? "Si Evy nasaan? Akala ko ba magkasama kayo?" Tanong niya sa akin. Inilingan ko siya bilang aking sagot.

"Nandoon lang siya, pinuntahan niya sila Jeynelle, sila kasi ang nagdala kay tita dito sa hospital eh" kinakabahan kong sinabi sabay naglakad na palayo "tara" alok ko at pinakita sa kanila ang daan kung saan doon din tumungo si Evy.

"Siguro may ginagawa na namang katarantaduhan yung lalaking yun" bulong sa akin ni Gian sa kanang tainga na nagpatibok ng aking puso ng mabilis, ito'y dahilan kung bakit ako kinakabahan ngayon.

"May masamang balak kaya si Evy?" Nag-aalala kong tanong habang nakakunot-noo ko siyang tinitignan at naghihintay ng maaaring maging sagot.

"Siguro? Kung hindi, tandaan mo nalang, tarantado yun okay?" Nakangiti pa niyang sinabi at ganadong-ganado pang binanggit na tarantado talaga si Evy.

Sana walang mangyaring masama ngayon, lalong-lalo na kay Jeynelle. Sana wala. "Puntahan ko nalang yung room na sinabi sa akin ni Jeynelle, baka nandun siya kasama si Ethan" naglakad na ako palayo sa kanya.

Ano kayang meron kila Jeynelle? Okay lang kaya yung dalawang yun? Siguro naman nagtatakha sila kung anong pangalan nig biktimang tinulungan nila. "Theresa samahan ka na namin ni JP tsaka ni Bando" sabi ni Stacey. Nginitian ko nalang ang malantod nang nakita niya ako. Kasama niya ang ilang tauhan ni tita Rebecca, mukhang mga armadong body guards ang ilan, grabe naman kasi yung mga kawal ni tita eh.

Binalik ko ulit ang tingin kay Gian, nandun lang siya at naghahanap ng maaaring macontact. "Tara" balik ko sa aking pananaw kay Stacey tsaka kami naglakad sabay-sabay patungong silid kung saan nandoon si tita.

"Ilang floors ba ang kailangan daanan?" Tanong ng bruha sa akin, kanina may binabalak na masama sa akin tapos ngayon nakikifeeling close.

Inirapan ko siya "4 floors" tipid kong sinagot. Sa pagkakataray ko mamaya baka parusahin pa ako ng mga kasama naming akala mo sundalo o terorista eh.

Pagliko namin ng isang pasilyo ay agad kong nadatnan sila Prince, Evy at Jeynelle. Nanlaki ang mata ko nang natauhan ko ang aking sarili... "Evy" mahina kong binulong.

Mabilis akong naglakad palapit sa kanila. Mamaya dito pa mangyari ang kinakatakutan ko.

Jeynelle Pov

Ngumiti nalang ulit ako kay kuya Evy, siya ang boyfriend ni Theresa. Magkaibigan na nga din nag turing ko sa kanya eh. Ngumiti din ito pabalik sa akin at humakbang ng palapit.

Si kuya Prince naman ay nakatayo lang at pinapanood ang ginagawa ni Evy. "Jeynelle, I have something to say... important" dahan-dahan niyang nilabas sa kanyang bibig.

Kumunot naman ang aking noo dahil doon, "ano iyon?"

"Si Rebe--"

"JEYNELLE!"

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon