Chapter 14 - Fairytale of a one Prince

62 3 0
                                    

Jeynelle

"Wifeycoh... gising na" narinig ko sa isang malambing na boses, naramdaman ko ang kanyang haplos sa aking pisngi.

Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata nung naaninag ko bigla si sir Ethan na nakangiti at ginigising ako, nakita kong nakahiga ako sa kama, ang lambot tsaka hindi na pala kailangan ng kulambo kasi di naman malamok.

Nginitian ko siya "good morning din hubbycoh" malambing kong binati sa kanya pabalik, akala ba niya di ko alam yung ganyan sa mga enderments? Huh siyempre ang dami kong alam sa ganyan.

"Breakfast is ready na" sabi niya sa akin at inalalayan akong iupo sa kama, walang nangyari kaya nagpapasalamat ako dahil walang himalang naganap kagabi. "Don't call me sir or sir Ethan anymore, much better you should call me into my name or into a sweet endearment" sabi niya sa akin tsaka ako tinulungang itayo.

Aww ang sweet naman ng asawa ko hehe "tara kain na, pasensya dahil hindi ako nagising ng umaga kasi nagparty pa ako dito sa aking kwarto eh hehe" excuse ko sabay lumabas na ng kwarto kasama si sir Ethan...

Kasama si Ethan. :)

Nung makarating na kami sa kitchen, pinaupo niya ako Doon sa upuan at nakahanda na din ang mga plato. Wow, pati dito naka-ettiquette manner ng pagkakain.

"Anong ulam? Wala bang afritada?" Naalala ko tuloy yung date namin sa isang carinderya lang, at least simple for simple people.

Umiling siya tsaka inabot sa akin yung mga pagkaing hinanda at niluto niya. Nanlaki naman ang aking mga mata nung nakita kong puro mga pangyayamanin ang pagkain sa lamesa. "Anong mga pagkain yan hubbycoh?"

"Blackheaden shrimp and skinny taco dip" sagot niya na ikinalaki ng aking mata. Whoo kaya naman parang first time ko lang makakita ng ganitong pagkain... hoho ang galing!

First time ko ito ha. Sana kasama ko si nanay para makasalo at malasahan niya din yung ganitong klaseng pagkain. Grabe naman po pala ang hubbycoh, breakfast palang...


Panalo na ang appetizer.

"Marunong ka bang tumugtog ng musical instruments?" Sinimula niyang tinanong sa akin, bigla naman ako tumigil sa pagkakain nung naalala kong kinuwento ko na sa kanya yung buhay ko noon nung nalalasing siya.

"Yes. Guitarist ako" sabi ko sa kanya na ikinangiti naman niya, gusto ba niyang magpaturo? Hihi tuturuan ko agad siya paggusto niya hehe. Dapat ideal wife ako sa kanya.

"Marunong ka din palang tumugtog, pianist ako, mula nung nursery ako, ang unang tinugtog ko yung titanic" kwento niya sa akin sabay napawow naman ako doon.

"Nursery ka palang noon marunong ka ng magpiano??" Di makapaniwalang tanong ko, wow. Ang ganda ng buhay na mayroon siya T_T naiinggit tuloy ako.

Tumango ito sabay humalakhak ng mahina "gusto mo ipakita ko sayo? Actually sa Lolo ko yon pero pinamana na sa amin ni kuya yung piano, grand piano nga pala yon" hindi pa ako tapos kumain ay mabilis niyang kinuha ang kamay ko at pinunta sa room kung saan nandoon ang kanyang concert big piano.

Black ang kulay nito at may takip pa, naupo siya sa upuan ng piano tsaka tinonohan. Ako naman, pinapanood lang siya dito na tumugtog. "Duet? May guitar doon" sabi niya sa akin a tinuro ang direksyon kung saan nandoon ang guitar.

Pumunta naman ako doon tsaka kinuha yung guitar, sinubukan kong tonohan ito.

(A/n: music tayo :) hehe)

GMajor, DMajor, EMinor, AMajor, CMajor and DMinor, puro mga basic chords muna yan tsaka ko tinonohan sa tuning pegs na nasa head part ng guitar.

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon