Chapter 18 - Friendship is back!

46 1 0
                                    

Ethan Pov

Huwag kayong magagalit sa akin kasi totoo naman diba na tatanga at napakapranellang Bella pa para sa good quality control ko. NakakaRita Gomez ang girlie rodis na tulad niya.

Kalurkey nga naman day oh, binilhan ko pa ng damit yang marlika ko kunyari, tapos kahapon dun sa mall mas lalong shumoshogo ang power ranger sa feeley ko ha, akalain mo? Hindi alam ang tuxedo? Ngayon dapat level up ang grading system ng standard ko mga huhubels.

Tignan lang natin kung paano siya gumora na akala mo anak ni Venus Raj mamaya sa stage. "Bakit mo sinabi yung ganong mga salita kay Jeynelle? Akala ko ba nagiging mabait ka?" Usal ni brotherlu. Anong bumabait? Ako tutulad sa isang napakabait na babaeng tulad ni Jeynelle?


Eww... ayaw kong magtake too much advantage sa random kindness ni itey no. Imbyerna na ang lola niyo! "Never ako babait, I am contented to my real beauty and kung sakaling magbago ako, yung beauty na mayroon ako ay hinding-hindi magbabago" nakangisi kong sinabi sa kanya, tsaka pasalamat nalang si Jeynelle dahil marunong at mas magaling akong magpintura ng mukha.


Gusto ko ngang ibuhos ang isang galong boysen paint diyan sa nagniningning niyang pagmumukha ay ginawa ko na tsaka ako na din gumawa nung speech para di na maging mas nakakahiya ang sasabihin niya mamaya.

Galit ako at halos ayaw ko na ngang makasama ng isang araw si Jeynelle eh. Sobrang bait, tulad lang ni brotherlu na hari sa kapakalan ng mukha. Di bale mas maganda naman ako kaysa sa asawa-asawahan ko.

"Alis na ako baka mamaya may kung anong katangahan ang ginagawa si Jeynelle" mabilis na din ako umalis doon sa teritoryo ng mga kaibigan ni brother. Mas mabuti ngang puntahan ko nalang yung babaeng yun eh.

*hand pulled*

"Aray ko naman!" Ang sakit manghila nung lalaking hinila ako ha.

"Ethan, ako ito si Nicole" nagulat naman ako nung nakita ko ang kanyang mukha, wow hindi nagbabago ang perfect shape ng kanyang mukha ha. Mas gwapo pa kaysa kay brother "May nakausap akong babae doon kanina" bigla naman akong ngumuso nung sinabi niya yan.

Sinong babae yun? Makakatira sa akin yun mamaya ng tsinelas ha "sinong babae??? Ingunguyudyud ko yung mukha sa sahig" sabi ko ng puno ng galit.



"Calm down Ethan ko, haha si Jeynelle lang naman" napatigil ako bigla nung binanggit niya ang pangalan ng asawa ko "sabi niya sa akin may asawa na daw siya sa inyo ni Prince kaya siguro si Prince ang asawa nun" usal nito. Syet. Paano ko ngayon sasabihin sa kanya na asawa ko si Jeynelle at hindi si brother ang asawa ng babaeng yun?




Kailangan makagawa na ako ng paraan "ah hayaan mo na yun baby, ikaw naman oh kung makapag-isip parang akala mo magkaclose lang kayo ni Jeynelle" sabi ko ng may halong pinipisil pa ang magkabilang pinag niya. Ang cute ng man of life ko... I will prove na talagang bakla ako at hindi lalaki. "Babe, huwag ka sana magagalit sa sasabihin ko ha?" Paunawa ko sakanya.






Hinigit niya ang kamay ko, "yes naman babe kahit may iba ka na, stay strong pa din tayo sa isa't isa" mahina niyang sinambit sa akin.





Nginitian ko lang yung katagang binitawan niya, ang bait ng babe ko hihi "asawa ko si Jeynelle, pero love pa din kita" sweet kong sinabi sa kanya.




"Coincidence. Paano mo naman naging asawa si Jeynelle kung bakla ka?"




"Kay kuya, gusto niya kasi ako maging lalaki eh ayaw ko naman tss. Mission ko lang mama ito" nakahalukipkip ko ng sinabi sabay irap kumbaga naiinis ako kay kuya.




Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon