Chapter 8 - Drunk

178 4 0
                                    

Prince Pov

Pagkapunta ko ng opisina ko ay tumambad doon ang kaibigan kong walang tigil sa kakainom ng alak.

"Hoy!" Tawag ko sa kanya, napabalikwas naman siya ng tayo sa kanyang kinauupuan nung narinig niyang tinawag ko siya "ano sa tingin mo ang ginagawa dito ha? Teritoryo ko ito intruder ka" gigil kong sinabi sa kanya.

Matagal na kaming hiwalay ni Evy, I mean hiwalay na mukhang magkarelasyon kami, di naman ako tulad ni Ethan. Matagal na kaming Friendship Over o FO kung sabihin nito ni Evy, actually 6 years ago na.

"It's been a long time!" Nakangiti niyang binati sa akin, tinapunan ko lang siya ng nakakamatay na tingin, tsk feeling close. Akala mo naman bati kami, magkakabatian lang kami kung tanggap niyang mas gwapo ako sa kanya.

"Aba't parang pwedeng-pwede ka ng pumunta dito sa opisina ko ha? May permisyo ka ba??" Nakahalukipkip kong tinanong sa kanya na nakataas pa ang kilay. Oo nga pala, lasinggero siya kaya minsan hindi niya alam yung mga pinagsasabi ko.

Ngumiti ito ng nakakaloko "please naman oh, huwag ka ng beast mode dude! Kantahan nalang kita" putnamina! Nagawa pang ihele ako ngayon? Tsk ayaw kong marinig yung boses niya kahit napaka-anghel pa niyan.

"Subukan mo lang kumanta, huwag mong hintaying magsibasag ang mga salamin dito jusko yung lampara ko sa gilid nagcocost ng PHP 65,000.00 yan nako!" Paalala ko sa kanya tsaka hinanap ang headphones ko, nasaan na ba yun?

Humalakhak siya ng malakas at siguradong naririnig yun sa kabilang office room, "it's been a long time! Without you my friend and I tell you how much I miss you when I see you again!" Kanta niya, ang pangit ng boses amp!

Pangit na nag ang mukha, pangit pa ang boses tsk, ano nalang yan? Hayy.

Mali-mali pa yung lyrico akala mo talaga singer na tulad nila Gary Valenciano hayy. "Pst oy! Huwag ka ng kumanta, babagsak ang ulan at walang magiging coach sayo" inip kong sinabi, ano bang ginagawa niya dito?

Nakakainis naman kasi "please Prince, ibabalik ko na sayo ang ex mo, sorry kung inagaw ko siya sa buhay mo" tsaka siya lumapit sa akin na nakapamulsa. Seryoso na ang mukha nito, yung kaninang ngiti niya ay agad na napalitan ng seryoso. Yan ang ayaw ko kay Evy, paiba-iba din ang mood.

"Wala na akong oras para ibalik ang pagmamahal ko sa kanya" Wala akong ganang ibigay sa kanya ang minsang binuhos ko ng pagmamahal. Sinayang lang niya iyon pero alam ko namang kasalanan ni Evy iyon kasi siya ang nang-agaw kaya pagsabihan niyo yang nilalang na iyan baka ma-ano ko pa yan.

"Awts, binabalik ko na nga sayo tapos nag-iinarte ka pang ayaw mo?" Walang gana niyang tinugon. Iniwas ko ang paningin at tinignan nalang ang binatana na nasa tabi ko.

Minsan naiisip ko kung tatanggapin ko pa ba ang pagmamahal na binigay niya sa akin "hindi ako nag-iinarte. Sinasabi lang ng isip ko na hindi ko siya magagawang matanggap dahil sa ginawa niya at ginawa mo sa kanya" kontento na sana ako dahil kasama ko siya pero inagaw lang sa akin lahat nitong si Evy.

"Sabi mo, sige mamahalin ko ulit" sabi niya na may kasamang tawang pangloloko. Huminga ako ng malalim at umalis na ng opisina ko.

"Ulol" huli kong tinawag sabay naglakad na palayo. Ulol kasi sino ba siya para pumunta at pumasok sa office ko ng walang paalam? Tsk.

Jeynelle Pov

Pinakita ko kay sir Ethan ang kwarto ko, medyo pambabae kasi kulay pink hehe, sabi ko kasi kay nanay color red pero sabi niya mainit daw sa mata yun kaya yung tempereature ng room ay ganon din.

"Ang ganda naman dito Jeynelle... mahilig ka ba sa pink?" Tanong agad sa akin ni sir pagkapasok na pagkapasok namin sa aking kwarto. Maraming pictures ng mga lalaki hehe pero mga celebrities naman. "Sino ito Jeynelle?" Nakita ni sir ang picture ng crush ko, oh no! Ex-crush pala hehe.

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon