Chapter 29 - Reveal the real name of Jeynelle's mother

59 3 1
                                    

Jeynelle Pov

Mabilis kaming nakapunta ni manong service sa residence namin, as usual, dito sa basket ball court ng mga batang lansangan at tulad ko.

"Salamat po manong driver" pagpapasalamat ko sa kanya, sinuot ko na yung tinted shades ko, kahit hapon kailangan dapat nakashades hehe ganon ang mayayaman.

Sabi din ni Ethan kailangan iba't ibang language ang sabihin ko, English nalang para mas susyal tsaka lingua franca pa. Binuksan ko na yung pinto ng kotse tsaka Oo, ganon pa din... nagsilapitan ang mga tao sa akin.

Insert slow motion!

Nauna muna siyempre yung makinis kong long leg no! Maputi din, hindi yan naka-stockings. Tsaka ako lumabas na nakashades, siyempre nagtigerlili ako sa harap nila. Flip hair doon at flip hair diyan.

Maingat akong lumabas ng kotse, baka naman mahaggard ng strong wind ang beauty ko. Taray na ng Lola niyo!

Naglakad na din naman ako papunta doon sa eskinita at makauwi na din sa bahay. Miss ko na talaga sila nanay tsaka yung tatlong Bekimon, ako naman Jejemon. Corny ko ano?

"Wow ate Jeynelle! Ang yaman mo na!" Sigaw nung batang babae sa akin, tinaasan ko siya ng kilay, hindi ba obvious? Malamang mayaman ako kasi asawa ko young billionaire. Hoho tsaka gwapo pa diba?

"Ate Jeynelle Wala ka man lang pasalubong para sa amin tsaka sa baranggay?" Tanong ng isa pang bata sa akin, sinamaan ko yun ng tingin, hindi naman niya makikita yun kasi medyo dark ang shades ko. Nagflip hair nalang ulit ang lola niyo.

Huwag ko na ngang pansinin ang mga batang ito, parang ginaganahan akong ibully silang dalawa eh. "Hi... Jeynelle?" Pagkarinig ko ng boses na yun ay lumingon ako sa likod ko.

Tinanggal ko yung shades ko para makita kung sino yun at Hindi ako pwedeng magkamali dahil kabisado ko na din naman ang mga boses nila "bagyong Glenda?" Nakangiting sagot na patanong ko sa kanya. Waa!  Estudyante ng kolehiyo palang kami noon tapos ngayon parang iba na yung mukha nila!

Ngumiti siya pabalik sa akin at tinanguan ako, napalitan niya pa ako "Jeynelle... wow, ang ganda ng bestida mo ngayon ha? Huwag mong sabihing mayaman ka na" nangingiyak niyang sinabi. Queen of drama talaga itong bagyong ito.

Natawa ako "haha! Siyempre mayaman na ako... may asawa na nga eh" nahihiya ko pang sinabi, eh ano ba naman kasi... diba? Ako mahirap tapos asawa ko mayaman kaya ayun, naging mayaman na din ako.

"Ay ganon? Ilan yung mga anak ng asawa niyo?"

"Wala pa. Hindi pa naman kami nagtutut na alam mo na? Hehe" bawal sabihin in public ang word na yun, nakakahiya din kaya. Akalain mo? Sa gitna ng eskinita pinag-uusapan namin ang tungkol sa nakakadiring eww.

"Ah sige Jeynelle! Ibabalita ko nalang sa kanila na nandito ka" nakangiti niyang sinabi sabay hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Kamustahin mo naman ako kila bagyong Mina ha?" Paalala ko na may kasamang pabiro. Tumawa lang siya at sinagot ako ng tango.

"Sige mamaya punta ka sa bar ha? Mag geget-together pa tayong magkakaibigan" sabi niya sa akin sabay umalis na. Naglakad na siya palayo pero kumaway muna sa akin ng babye bago tuluyang naglakad palayo.

Ang saya. Huhu namiss ko din yung sa bar ha. Mga sabog kami noon tsaka woo gusto kong sumayaw sa club! Ano kayang feeling kung hindi ka na estudyante at nagstripper ka sa club ano? Hehe mamaya ko yan mararamdaman.

Pumunta na ako sa salon ng mga Beki namin at Oo nga hindi ko aakalain na may banner pa talaga sila na may nakalagay

"Welcome home baby Princess JeJe. We miss you so much" -Love SabogFam

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon