Chapter 23 - Nagdadalawang-isip?

79 3 0
                                    

Jeynelle Pov

Lumayo muna kaming dalawa ni sir Prince Kay Ethan, ayaw daw niya kasi kaming dalawa ni sir na tumatawa habang umiiyak na siya sa ginawa ni Theresa eh.

Ang galing talaga nung best friend ko, ako Secretary lang eh hayy habang siya naman, napakatalented niyang tao, buhay nga naman diba?

Bumalik nalang ulit kaming dalawa ni sir Doon sa sinisilungan ni Ethan kanina sa kakahuyan, umupo ako sa diyan habang siya naman ay sumandal lang sa malaking bato na nasa tabing harap ng duyan.

Tinignan ko yung libro kung anong binabasa ni Ethan, baka wattpad book ito hehe gusto ko pa naman eh kaso nafound out ko isa palang english novel na nangangalang "Maybe One Day" by Melissa Kantor, hayy nakakatamad magbasa ng English novels, mga mayayaman kasi mahilig magbasa ng ganitong libro eh. Wala tayong choice.

Inikot ko pa yung mga mata ko baka mamaya may mahanap akong kakaibang pinagkakaabalahan ni Ethan dito nung mga time na wala ako. Nakita ko yung basong alak niya sa lamesa, puno at hindi pa ito ubos, hindi na ako aasang hindi pa siya nakakainom, umagang-umaga ito agad ang iniinom, buti pa ako sa bar lang lumalaklak o di kaya sa kalsada kasama ang mga kabarkada, ganyan ang goals ng mahihirap.

Walang problema basta kasayahan lang, sapat na para sa amin.

**flashback**

"Kaya ngayon nagtatrabaho na ako para makatulong kila nanay at ate Jello, pamilya na nag turing namin sa isa't isa" nakangiti ko ng sinabi sa kanya sabay naramdaman kong parang humihikbi siya. Hindi ko muna yun pinansin tsaka tinuloy ko lang ang aking sinasabi "tsaka alam niyo sir? Ayaw ko sa mga bakla, kasi nilikha na nga sila ng poong may kapal para maging lalaki at hindi babae! Pasalamat nga sila dahil binuhay sila mismo sa ganong kasarian eh, ugh they're so stupid and also dumb people lang" naiinis kong tinugon. Abot dugo talaga ang inis ko sa mga bakla, kahit din naman kala ate Jello, ate Jessica at ate Sanya ay nakakaramdam ako ng inis sa kanila.

Halos walang araw na hindi nila pinapakulo ang aking dugo "Sir umiiyak ka?" Nakita ko kung paano niya pinunasan ang kanyang mata, matapos niyang gawin iyon ay agad kong tinignan kung talagang umiiyak nga siya. "Sir?" Response ko pero hindi lang siya sumagot at lumagok na naman.

Siguro problemado siya kaya nagkakaganyan, itatanong ko nalang kay sir Prince baka may alam siya kung bakit ganito si sir Ethan. Nagtatampo naman ata siya ehhh. Pero kung ganon, ano namang dahilan?

Naghintay ako ng ilang segundo at sinisigurado kong sasagutin niya ako. "Please ayaw kong maging lalaki" bulong nito sa sarili nung narinig ko naman.

"Sir? Lalaki po kayo" koreksyon ko na akala mo maririnig at maiintindihan pa niya yun.

Hindi ko ineexpect na babagsak ang ulo niya sa may lap ko kaya naman nakaramdam agad ako ng konting pag-ilang. "Hindi ako lalaki... ayaw kong maging lalaki..." paulit-ulit niyang sinasabi hanggang sa palakas ng palakas ang boses.

**end of flashback**

Bigla kong naalala yung mysterious na sinabi ni Ethan nung nagpalasing siya sa bahay namin. Itatanong ko pa pala yun kay sir Prince kung bakit nagkakaganon si Ethan.

"Sir Prince" tawag ko sa kanya.

Lumingon ito sa akin, "Prince nalang o di kaya pogi Prince para mas comfortable pakinggan" nakangiti niyang sinabi sa akin, di ko alam, joker pala si sir? Ang galing magjoke eh. Akala niya ba mas gwapo siya kaysa sa kapatid niya? No.

"Sir may itatanong lang po sana ako, bakit po sinasabi ni Ethan na hindi daw po siya lalaki?" Yung kaninang ngiti sa labi niya ay biglang nilipad ng kahanginan niya kaya napalitan ito ng parang normal na ngiti sabay kumunot ang noo.

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon