Chapter 37 - Missing

50 0 0
                                    

Prince Pov

"Avy, nakauwi na ba si Jeynelle?" Tanong ko sa isang katulong, kumuha na ako ng isa pang katulong para naman may kausap minsan si Jeynelle dito, at kasing-edad din naman niya ata si Jeynelle.

"Sir, Hindi pa nga po eh, di pa nga din po nakakabalik yung driver, si mang Tano" sabi niya sa akin, sinilip ko yung relo ko kung anong oras na at laking gulat nalang talaga na halos mag-aalastres na ng madaling araw. Napakamot nalang ako ng batok.

"Sige po"

Bumalik ako sa loob ng bahay at nagtatakha bakit hanggang ngayon Hindi pa din nakakauwi si Jeynelle, imposible namang magkatraffic kasi madaling araw na eh tsaka Hindi na siya makakahanap pa ng sasakyan papunta dito kaya ko nga pinadala yung driver sa kanya para sunduin siya eh.

Hayst.

Kinuha ko yung sigarilyo na nasa center table at sinimulan kong sindihan. Nakakastress ngayong araw, kaya chill lang muna ako, mas maganda ata kung may whisky kaso dahil sa ganitong oras baka maging malas pa yung chill moment ko.

"Kuya! Kuya!!" Ayan na ang prinsesa, dati kakampi ko lang yan pero ngayon mukhang kalaban ko na ata sa ibang dimensyon.

"Kuya!" Isa pang sigaw niya, madaling araw na madaling araw naninigaw siya ah.

"Anong problema mo bakla?" Tanong ko sa kanya na nakatanim pa din sa akin ang galit ko sa kanya.

"Kuya, si Jeynelle nandito ba?" Tanong niya sa akin na parang nanlalaki ang mga mata, Paano naman makakauwi iyon kung Hindi pa nakakabalik yung driver niya?

Inilingan ko siya "wala pa siya, pinadala ko si Mang Tano para sunduin si Jeynelle" pahayag ko, siya naman mukhang taranta nung sinabi ko iyon sa kanya. Ano na naman kayang pinoproblema nitong baklang ito?

"Hayst kuya nawawala kasi yung pasyenteng tinulungan namin eh, iniisip ko baka kinuha o inuwi ni Jeynelle iyon" napakaimposible ng kanyang mga sinasabi, tanga ba siya? Paano maiuuwi ni Jeynelle ang pasyente kung Wala nga siyang mahahanap na masasakyan? Huwag niyong sabihin binuhat ni Jeynelle yung babae?

Beep beep.

Sabay kami napalingon ni Ethan sa service ni Jeynelle, buti nalang at nakauwi na din yung babaeng iyon, buti pa ako may concern kay Jeynelle, itong si Ethan kasi walang pake eh. Di naman din kasi siya lalaki and I hate that.

"Sir" tawag sa akin ni mang Tano nung nakapasok na siya ng gate at tumakbo palapit sa aming kinaroroonan. "Sir!" Wait... Parang may mali...

Bakit hindi niya kasama si Jeynelle?

"Sir" ulit-ulit niyang sinabi, mukhang hingal din siya, nagmaneho lang naman siya at imposibleng hingalin ka Doon. Tumatakbo ba ang Tao pag nagmamaneho? Diba sasakyan lang ang tumatakbo pag ganon?

"Bakit Hindi mo kasama si Jeynelle?" Tanong ko sa kanya na nakakunot-noo. Lastly umupo siya sa sofa at nanatiling pinapahinga ang sarili, sadyang nakakapagod lang ata magmaneho kaya ganito si Mang Tano. Hindi pa naman siya ganon katanda eh, bakit kaya nagkakaganito ito?

"Yun nga sir eh" sabi niya, pinabayaan niya si Jeynelle? Well makakaranas siya ng munti kong kalupitan ngayong madaling araw, "Sir nakita ko po kasi na may van po na kumuha kay ma'am Jeynelle" pagkasabi niya ng katagang iyan ay hindi ko maiwasan ang sarili ko na makapag-isip ng ilang bagay kung anong maaaring mangyari kay Jeynelle.

Tinignan ko si Ethan, gulat niyang tinitigan si Mang Tano at mukhang Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi, "sinong mga taong kumuha sa kanya?" Tanong ko kay Mang Tano sa gitna ng Hindi kapani-paniwalang pangyayaring ito.

"Hindi ko po namukhaan, naka-bonet po lahat ng kumuha kay ma'am Jeynelle" sabi niya sa akin na nakatungo, alam naman niyang maglalabas ako ng galit dahil sa mga ganyan pangyayari. Kung sinumang may balak na gumawa ng masama kay Jeynelle ay tandaan lang nila magiging brother-in-law palang ako niyan ng kapatid ko, humanda lang ang lintek na mga sindikatong iyan.

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon