Chapter 33 - Car Accident

68 3 0
                                    

Theresa Pov

"Theresa!"

Narinig kong sigaw galing sa tauhan ni tita kaya agad akong napabalikwas ng upo sa hinihigaan kong couch dito sa guest room. Kinakabahan itong hinarap ako.

"Theresa..." ulit pa niya sinabi sa akin, "Theresa!" Isa pang tawag.

"Namiss mo ako? Huwag kang unli di ka naman load sa akin eh, ano kailangan mo?" Siga kong tanong sa kanya habang naghalungkat ng magazine sa ibabaw ng center table.

"Theresa, sila Gian sinasabihan si Jeynelle about sayo!" Mabilis nitong sinabi sa akin habang natatarantang binagsak yung mga papel sa center table na ikinatigil ko naman sa paghahalungkat ng magazine. Napunta ang dalawang balon ng mata ko sa kanya.

"Anong sabi?" Kinakabahan ako ngayon, baka may sinabi sila kay Jeynelle na hindi ko man lang namamalayan.

"Sknabi lang naman nila na one of the Campos ka paano yan? Maniniwala ba si Jeynelle?" Bigla nga talaga tumigil ang mundong ginagalaw ko. Nakakawala lang ang mga tingin ko sa kanya at patuloy na iniisip kung bakit nagkakaganito ang daan ng mga Plano ko.

Sinisiraan ba nila ako kay Jeynelle? "Madali pa naman maniwala yun kahit alam niyang haka-haka lang sa kanya hayst, kakausapin ko siya ngayon" Tumayo na ako sa kinauupuan ko sabay naglakad na palayo habang tinitigilan ako ng babaeng ito.

"Theresa, makakahalata si Jeynelle dahil kakasabi lang nila Gian na one of the Campos ka" nakahawak ito ng mahigpit sa braso ko at nilalayo ako sa pinto. Oo, baka makahalata nga siya, mas mabuting itago ko muna ito.

"Humanda lang sila Gian nito" alam ba no Jeynelle na isang kriminal ang mga Campos? Diba hindi? Wala nga siyang alam na ang totoong ina niya ay isa palang kriminal mula nung dala pa lang siya sa sinapupunan eh. "Sasabihan ko muna sila Gian, malilintikan pa yung mga yon ngayon" sabi ko nalang sa kanya sabay binitawan na ang hawak.

Padabog kong binuksan ang pinto nang makalapit agad ako ng mabilis ngunit biglang bumaligtad din ata ang mundo ko nung binuksan ko ang pinto "Hi Jeynelle" bati sa akin ni Stacey.

"One of a kind" nakangiti kong sinabi sincerely and sarcastically.

Pumasok siya ng tuluyan sa guest room at inikot ang mga mata "alam na ni Jeynelle" sabi niya sa akin na inirapan ko lang din.

"Pake ng maganda?" Nakahalukipkip kong tinanong with matching maldita type, pasalamat talaga ako kay Jeynelle dahil sa kanya namamana ko ang kaastigan niya pagdating sa malditahan.

"Aba't ganyan na ang sinasabi mo ha? Magugulat ka nalang dahil mamaya baka tumatawag si Jeynelle sa phone mo at tanungin ka" sabi niya sa akin sabay umupo dun sa high stool beside the bar counter. Sinabi ba niya talaga ang dahilan kay Jeynelle? I know that Stacey too much kaya di niya mabubuking si Jeynelle ng basta-basta.

I know may sira din sa Isip si Jeynelle kaya laging praning at unopen minded yan pagdating sa mga ganito. "Walang magiging pwedeng pruweba naiintindihan mo?" Gigil kong tinanong sa kanya. Umiling lang ito sabay tumawa ng mahina at kumuha ng basong alak.

"Ah Theresa, alis muna ako ha?" Pakiusap nung babae habang nadidiri siyang tignan si Stacey na nandun sa bar counter. Tinanguan ko nalang siya sabay naglakad na paalis.

"Sisiraan mo ba ako?" Tanong ko nang makalabas na ang babae dito sa guest room. Tumingin si Stacey sa ceilings na akala mo nag-iisip pa mg pwedeng maging sagot.

"Uhh-- maybe? Sinisiraan na ata kita... matagal na" sabi niya tsaka sumunggab ng alak. Kaya naman pala lagi akong napapahiya dahil siya ang may kagagawan. Suntukin ko siya ngayon eh.

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon