Chapter 38: Bring me to that animal

55 2 0
                                    


=============********============

Jeynelle Pov

Sinundan ko si mrs. Daisy Mercado sa kaniyang pag-alis, palihim akong sinusundan siya sa likod at bigla nalang siyang naglaho nung lumiko kami sa isang gilid ng mahabang pasilyo na dinaanan namin.

Natagpuan ko itong madilim at walang gaanong gamit na nakadisplay sa paligid, even mga picture frames o ibang pwedeng isabit sa pader basta Hindi parol kasi di pa naman pasko ngayon, or di kaya mga nakakatakot na maskara... malayo pa naman maging Halloween.

Nilibot ko ang paligid at nang may nakita akong pinto na parang sobrang tanda na nito, May edad din ang mga bagay. Sobrang maalikabok at parang pinabayaang lugar na ito. Sa sandali pa lamang ay pumasok na ako.

Pagkapihit ko ng seradula ay bumungad sa akin ang malamig na aura nitong abandadong kwarto, baka may multo dito na magparamdam, jusko Wala pang Halloween may gusto ng manakot.

Ang pagbubukas ko ng pinto ay mas lalo akong kinutuban ng Takot dahil nakakakilabot ang tunog nito pag binuksan o galawin, parang tunog iniisratch niya yung sahig? Tapos mas lalo pang madilim dito sa silid.

Nakita ko ang bintanang may takip ng puting makapal na tela, agad ko itong nilapitan at tinanggal ang tela. Pagkatanggal ko ay bumungad sa akin ang liwanag ng umaga, mag-uumaga na pala. Ang bilis ng oras...

Humarap ako sa likod at Hindi ko inaasahan ang aking nakita, isang malaking picture frame na may isang babae at hawak ang batang sanggol na kamukha ko. Yung babae kamukha din ni Mrs. Daisy Mercado. Misteryoso ito... Ano kaya meron dito sa larawan?

Mabilis kong dinampot ang phone ko sa bulsa at tinawagan si Theresa, I need her na talaga, kaya yung pagkatawag ko ay nagriring lang ng nagriring. "Nakapatay ba phone no Theresa?" Tanong ko sa sarili. Taranta akong kumilos subalit bigla ko naman naisipan na lumabas baka sakaling makahalungkat ako ng signal.

Langya, ang laki-laki ng bahay pero mahina yung signal eh, ang sakit lang sa bangs.

Kaya sinubukan kong lumabas at nagwork naman, nagring at nacontact ko din ng mabilis.

[Hello Jeynelle?] Sagot ni Theresa.

"Theresa! May nakita ako dito mukhang lumang museum, besh kaloka! May kamukha ako dito nung bata pa!" Nasisiyahan kong sinabi, di kaya time traveler ako? Paano ko kaya naging kamukha yun nung sanggol pa? Hmm siguro naman coincidence lang no?

[Ano!? Nasaan ka?] Gulat niyang binanggit sa akin, nilibot ko ulit ang aking mga mata sa paligid.

"Mansion nila Mrs. Daisy Mercado, Theresa, kilala mo ba siya? Baka nandito na ako sa bahay ng isang artista" Sabi ko pabalik sa phone. Nakaramdam ako na parang may naglakad sa loob ng kwarto at ikinasama ko ito ng tingin.

[Sino yon!? Ikaw kung saan-saan ka na napapadapd ha! Ngayon may dumukot na sayo!?] Parang galit na siya, huhu never ko pa na-encounter na nagagalit si Theresa. Siguro pagod na din kasi siya tulad ko, siya din naman eh, kung saan-saan na napapadpad, nakatira sa malayong paraiso, may anim na apartment sa iba't ibang lungsod, may 2 kumpanyang pinagtatrabauhan, at isang organization na sinalihan at may mission daw na ginagawa daily, oh diba? Saan ka pa?

"Yung tinulungan namin sa car accident, kamukha niya yun eh tsaka sabi daw niya kambal niya yun hehe" sabi ko sa kanya sabay binaba na niya yung tawag. Bastos kausap. Malungkot kong binaba ang phone ko papunta sa bulsa ng pantalon ko, binalikan ko ng tingin yung kwarto, medyo may liwanag na ito sa loob at nakikita ko na sa wakas ang mga nakalagay dito.

Bumalik ulit ako sa kwarto, nakita ko din ang isang crib sa gilid at may bookshelves sa tabi nito, meron ding kama dito para sa mag-asawa at parang kwarto ito ng isang pamilya pero Hindi ko alam kung sinong pamilya.

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon