Chapter 5 - Mission: Be a man

172 6 0
                                    

Jeynelle

Lumabas ako ng office ko tsaka tinignan kung sinong tao ang sinisilipan ako. Siyempre hindi berde kundi pula, dahil sa inis ko, mapapatay ko kung sino yung pakielamero o pakielamerang nakikinig sa akin kanina.

"Ma'am, pinapatawag po kayo ni sir  Calvacantes sa kanyang office po" sabi sa akin ng isang cliente, teka diba dapat role ko ang nagpapatawag ng mga tao dito o di kaya sinasabi ko yung orders sa akin ng mga officers? Kakaibang Secretary na ata ako.

Hayaan na, pumunta ako sa office ni sir Ethan tsaka binuksan yung hindi gaanong nakasarang pinto. Grabe gumagastos sila ng pera pambayad ng kuryente sa aircon oh tapos di pa nila sinasara yung pinto ng mabuti.

"Sir pinapatawag niyo daw po ako?" Tanong ko sa kanya, nakatalikod ito ngayon sa akin. Bakit ba pagtuwing papasok ako lagi siyang sumasalubong sa akin na nakatalikod, yan na ba yung proof na hindi ako maganda?

Huhu nagsasalamin naman ako araw-araw ha? Hindi ko pa nga nakikita yung totoong pangit na side ng mukha ko eh. Naniniwala akong maganda ako pero siyempre panaginip lang yon.


"Sir?" Humarap siya sa akin ng dahan-dahan, I found myself na iscan ang paligid baka sakaling si sir Prince ang tumawag sa akin ay hindi siya.

"Ako nga, come here" utos niya sa akin, kinutuban ako ng kaba dahil doon... huhu ano kayang gagawin niya sa akin? Tsaka Bakit Wala na dito si sir Prince?

"Wala naman po akong ginagawa sa inyo ha? Pero ano pong gagawin mo po sa akin sir?" Iba na din yung nararamdaman ko dito, mukhang malilintikan ako nito ni sir. Sinunod ko naman yung inutos niya sa akin kanina ha? Bahala na nga! Masyado akong nacucurious!

Tumayo siya at naglakad palapit sa akin, umatras naman ako ng konti dahil ayaw kong masyadong malapit sa kanya. Malalim ang mga titig niya sa akin kaya naman ako ay naiilang, Wala akong magawa kundi umatras lang ng umatras hanggang sa maramdaman ko na yung pinto sa likod ko.

Omo! Palapit siya ng palapit sa akin! Huhu anong gagawin ko??

Sinubukan kong pihitin yung seradula ng pinto pero I found out na parang may naglock nito sa labas huhu, pagnannasan na ba ako ni sir? Bata pa ako.

Hinayaan ko nalang siyang lumapit sa akin nang magtama ang tingin namin sa isa't isa, malalalim ang kanyang mga mata sa akin. Naramdaman kong kinulong niya ako gamit yung dalawa niyang kamay na nakaharang sa magkabilang tabi ko.

I'm trapped.... T_T

Sunod nun ay hindi ko na inexpect pa, nilapit niya yung mukha niya sa akin parang 4 inches nalang ang pagitan? Sabay tumungo siya sa kaliwang tainga ko, huhu pagsasamantalahan niya ako ngayon... di pa ako nakakapagpaalam kay nanay T_T

"I like you too..."

Bulong nito sa akin sabay nilayo niya yung bibig niya sa tainga ko at ngumisi ito ng nakakaloko, ako naman ay mukhang iniwan lang sa ere na nagdadalawang-isip kung totoo nga ba ito o hindi.

"S-sir? Paano niyo nalaman?" Gulat kong tinanong sa kanya, promise! Sa sarili ko lang sinasabing may gusto ako sa kanya tapos ano? ANO ITO?? Biglaang alam niya?

Don't tell me sumpa yung wallpaper niya sa phone ko kaya alam niya hayst. Tumawa siya ng mahina at umiling "secret... you can't hide me that feelings don't you?" Nakangisi niyang sinambit. Pinagpapawisan na ako dito ha.

Pag may nagbukas lang ng pinto dito sa sinasandalan ko, makakatikim sa akin ng Sexy Jeynelle's punishment 101. "P-pero paano nga po niyo nala--mmmm"

Hindi ako makapaniwala!


I just can't believe it!

"Shh don't ask it again... it's just a technique on how I know it..." nakadikit sa bibig ko yung hintuturo niya, huhu matutunaw ako ng wala sa oras nito!! Kyaaahh! Kinikilig ako!

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon