Chapter 9 - Prince's too much judging

135 2 0
                                    

Prince Pov

Agad kong sinearch sa google map ang address na binigay ni Jeynelle sa akin at susugurin ko pa ang kapatid kong LGBT member.

Tahimik akong nagmamaneho hanggang sa may nadaanan akong pamilyar na street, yan yung binigay sa akin ni Jeynelle kaya naman pumasok agad ako doon tsaka nagtanong sa mga kapitbahay nila kung kakilala nila ang Campos family. Malamang kilala nila.

"Pst bata" tawag ko sa batang lansangan, ang dungis naman nito "kilala mo ba si Jeynelle Campos? Kung alam mo, pwede bang ituro mo sa akin yung direksyon kung saan siya exactly na nakatira?" Tanong ko sa kanya. Sinagot naman niya ito ng tango tsaka tinuro sa akin ang daan papunta sa kanila "thank you bata, pagbutihin mo ang pag-aaral ha?" Nakangiti kong paalala sa kanya.

Ngumiti lang din siya sabay tumakbo na pabalik sa mini basketball court kung saan doon naglalaro ang mga batang tulad niya, topless at medyo madungis ang kanilang katawan, payatot at mukhang malnourish pa. Bakit pinapabayaan lang ng mga magulang nila na maging madumi sila sa labas?

"Oy! May kotseng porsche oh" narinig kong sigaw ng ilang tambay dito sa labas, karamihan mga lalaki ang nakatambay dito. Anong meron at bakit nila sinisigaw ang pangalan ng kotse ko?

"Mga katropa! May mayaman na naman dito!" Sigaw nung ibang nakatambay dito, topless din sila tulad ng mga batang maliliit, ano ba naman yan. Tirik na tirik ang araw tapos nasa labas sila at nagbibilad sa araw?

Kunot noo kong tinignan ang isang batang babae na hinahawakan ang side window ng backseat ko. Mamaya magasgasan pa niya yan. Tsk.

Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon, ano bang nangyayari? Sigurado bang nandito si Jeynelle banda nakatira? Tinuro kasi ng bata dito eh. Eh puro squatter naman yung paligid... "wow ang ganda nito! Sir pwede po bang padrive?" Tanong nung lalaki nang natagpuan niya ako na nasa driver seat.


Anong nasa isip nila at mukhang interested pa silang magmaneho ng ganitong kotse? May license nga ba sila? Tss "kuya wala po kayong Lamborghini?" Tanong naman nung isang kasama niya na may kulay ang buhok.

Mga bakla ba itong kasama ko? Baka sabihin niyo may kulay ang buhok ni Ethan... huwag lang niya kamo magpalagay dahil kung ako nakaramdam ng yamot sa kanya, hindi ako magdadalawang isip na kalbuhin ang nilalang na iyon. Boy Abunda ang effect nun.

"Sir please pa drive naman po, ay pasakay nalang po" Hindi ko pinansin ang mga boses sa labas tsaka ko binantayan ang batang babae na patuloy pa rin nandoon sa bintana ng backseat. Mukhang mga nakadroga ang mga batang ito, delikado na.

Sumisilip siya sa loob sabay parang? Binubuksan niya ang pinto? Maya-maya ikinagulat ko naman bigla nung may sumampa sa likod ng kotse at umupo sa bandang compartment.

Yung iba dinadambahan ang harap ng kotse ko, ano bang nangyayari sa mga batang ito? Ngayon lang nakakita ng kotse?? Ibang klase. Pwe.

Nainis na ako kaya mabilis kong kinuha ang susi sabay lumabas ng pinto na nakakunot ang noo at buhat ng inis. "Get the fck out of the chamber now" matigas kong sinabi nung parang pitong batang lalaki ang nakaupo sa compartment ng kotse ko.

Tinignan lang nila ako, ang init naman dito, hot na ba ako nun?


"Englishero po kayo sir? Hi my name is Elmo, gwapong Elmo Magalona" natatawang sinabi nung lalaki sa akin tsaka siya lumapit para makipagkamayan sa kanya. Psh gwapo siya? Kamukha niya si Elmo Magalona? Magnoliang bulok lang lang siya hmp!

Psh iniinis nila ako "sinabi ko bang ipakilala mo ang sarili mo? Umalis kayo diyan at pagnasira lang yan pwes, makiusap kayo sa magulang niyo na bayaran ang isang mamahaling kotse" pagmamalaki ko sa kanilang lahat na halos marinig na ng buong paligid.


Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon