Chapter 16 - Glorietta Mall (Part 2)

44 2 0
                                    

Jeynelle

Naniniwala naman ako Kay Ethan na inosente siya at Hindi niya sinasadyang kausapin yung babaeng yon. Loyal yan sa akin, pangit man ako pero yung exposrue ko naman panalo sa kanya.

Ang tagal ng hinintay namin para lang dumating ang pagkain, kung carinderya lang ito, I'm sure wala pang sampung minuto dadating na agad ang parte ng buhay natin. Totoo ang food is life.

Hindi dapat food eh, kung sa mga Pilipino dapat rice kasi nga rice is life.

Rice Terecess is life.

"Saan tayo pupunta sunod?" Tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ang tissue dito sa center table.

"Sa boutique" tipid at effortless nitong sinagot, ang sama talaga nitong nilalang kahit kailan. Kung sumagot parang ang haba na sa kanya, man of few words lang ang peg ni Ethan din eh no? "Pagpumunta tayo doon sana ako ang papiliin mo ng damit" sabi niya sa akin.

Sakto namang dumating na din ang waiter, dalawang tray ang dala nito at binaba na din naman niya sa table namin. Bago siya umalis, tinignan na muna niya ako bago tuluyang maglakad palayo, ngumiti ako kaya ganon din siya.

"Ehem... maaari ka ng makaalis dito waiter?" Napansin kong nakatingin siya ng masama sa waiter, tumango ito sabay umalis na din ng mabilis. Ano ba naman yan. Nakikipagmoment pa nga ako sa kanya as my friend eh, sabi kasi ni nanay dapat maging friendly ka sa lahat ng tao hehe, pero siyempre maaungit pa din ako no!

"Selos ka?" Nakangisi kong tanong sa kanya, sa una hindi niya ito pinansin. Kinuha niya yung bowl na may sabaw tsaka basong may lamang mineral water. "Huyyy selos siya yiieee" pangangasar ko hehe.

"Hindi ako nagseselos, huwag mo ngang ishare yang advantage ng pagkakabaita mo sa ibang tao" naiinis niyang pinahayag sa akin, kahit naman sabihin niyang di siya nagseselos, napapansin ko namang nagseselos din siya hehe. Ang lakas ng sense ko para sa kanya.

May naalala ako bigla nung nagtalo ang tatlong bekimon sa salon namin... anong ibig sabihin ng CEO? Tama ba ako kung Chief Executive Officer yun? Omy gee! "Ethan! Tama ba ang CEO na ibig sabihin nun at Chief Executive Officer?" Tanong ko sa kanya na ikinalingon nito sa akin.

Habang ngumunguya, mukhang bangag ang kanyang mukha dahil sa Tanong ko "Oo Bakit?" Response niya, pagkakataon ko na ding itanong kung bakit chief at Hindi manager.

"Dapat MEO eh, hindi CEO" sabat ko, alam kong hindi niya yun alam kasi ako Lang naman ang nag-iisang taong nakaimbento ng ganong kawalang kwentang ideya eh.

"MEO?"

"Oo. Ibig sabihin nun ay Manager Executive Officer" nakangiti kong sinabi sa kanya, mas matalino pa ata ako eh, tsaka mas mataas pa ang standards na mayroon ako hehe.

"Bakit manager? Why did you replace the chief?" Bakit ba iba yubg pronounciation niya sa chief??? Ang chief kasi pwede din namang career non ay...

"Chief kasi diba yun yung nagluluto parang HRM?" Career nila yun eh.

"Huh? W-wait... how did you pronounce Chief?" - siya.

"Chef" sagot ko.

"Damn" dissappointed niyang sinagot. O diba? Nagkakamali siya, isang malaking kasinungalingan lang ang Chief ay isang Executive. Dapat manager yun eh. Ang chief kasi sa mga restaurants lang yon tulad dito sa kinakainan namin.


Hinawakan niya ang kanyang temple tsaka yumuko "sabi ko sayo Ethan eh, oh lalamig na yung inorder kong sabaw para sayo" sabi ko sa kanya. Iba talaga ang pronunciation niya sa akin, tsk.


Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon