Chapter 25 - Eyebrows

46 2 0
                                    

Jeynelle Pov

Paglabas ko ng banyo ay natagpuan kong wala na si Ethan dito sa kwarto ko, hayy salamat at wala na siya, buti nalang talaga di ko yun pinansin habang sinusubukan niyang buksan yung pinto ng CR. Eh alam niyo naman kasi... gusto niyang makita ang katawan ko na hindi dapat kailangang makita ng isang lalaki...

Maniac din pala nung asawa ko. Nagsuot na din ako ng underwear tapos sabay mabilis akong nagsuot ng dress na nakita ko sa aparador, baka mamaya nandiyan na din ang asawa ko pinagmamasdan na ako, light blue casual dress ito at siguro naman kaysa sa akin ito kasi sexy ako. "Payatot ka ano?"

"Ahhhh!" Nagkat ako nung narinig ko ang boses ni Ethan, nakasandal siya sa pinto na nakacross arms.

Kinunutan ko siya ng noo "nakita mo buong katawan ko kanina? Akala ko ba nung bago ako maligo nakita mo ako--"

"Di kasi ako makatingin alam mo namang selo-- Wala, di ko alam na payatot ka" natatawa niyang sinabi sa akin, ano ako? Malnutrisyon? Di naman porket mahirap malnutrisyon agad.

"Huwag ka ngang ganyan, asawa kita ang hilig mong mang-asar" pasalamat siya dahil hindi ko siya inaasaer diyan, Wala naman akong maisip na salita kung paano ko siya maaasar eh tsaka minsan corny din kung gagamitin ko.

"Maliligo na ako" sabay kumuha siya ng tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto, tinignan ko lang ang hakbang niya, lumapit ito sa akin at...

*tsup*

"Para San yon!?"

"Wala sige na maliligo na ako" tsaka siya pumasok sa banyo, binagsak pa talaga ang pinto ng malakas na akala mo nagiging bayolente na naman.

Pero Bakit naman niya ako hinalikan?

Huwag kayong mag-expect, hinalikan niya lang ako sa pisngi. Ngumiti naman ako dahil doon, ganon na ba ako kaganda? Ganon na din ba kakinis ang pagmumukha ko kaya hinalikan niya ako sa pisngi?

Totoo pala talaga ang mga himala ano? Hayy lumapit nalang ako sa vanity table, rinig dito ang buhos ng shower ng banyo ni Theresa dito sa loob ng kanyang kwarto, kahit maliit lang ang bahay na ito pero still ang ganda pa din no?

Feeling ko hindi bahay ng mahirap ito. Ang ganda kasi ng pagkaka-arrange ng bahay. Kumuha ako ng foundation and lipstick para mapaganda ko pa ang sarili ko. Kailangan lagi akong maganda sa harap ni Ethan lalo na sa kanyang mga mata.

Look good

Siyempre dapat maganda talaga ako lalo na kung nakikita ni Ethan yun, mas lalo siyang maaattract sa akin niyan kung good-looking ako sa kanya.

Express your love

Paano ko kaya ma-eexpress yung love ko sa kanya? Grabe ano? Ang bilis ng panahon, dati crush-crush lang tapos biglang magiging asawa na? Yung feeling na crush ko si Song Jong-ki kaysa sa kanya pero bet ko ang katamisan ng pagmamahal na binibigay niya sa akin kaya ako naman lipat crush na kay Ethan.

Ang bilis ko ma-attract ano? Pero siyempre loyal ako pagdating kay Ethan, hmmm maging sweet and obedient wife kaya ako sa kanya? At least ma-eexpress ko yung love na meron ako sa kanya diba?

Kinuha ko yung pangkilay sa tabi lang ng mga pulbo dito sa vanity table, sana marunong na akong magkilay, hanggang ngayon hindi ko pa din kasi matrace ang kilay ko, hindi ko na nga ito inaahit kasi manipis na ang buhok ng kilay ko.

"Jeynelle, may bibilhin ka ba doon sa mall pagpunta natin?" Tanong sa akin agad ni Ethan paglabas ng CR. Nakatopless siya at nakatowel siyempre ang babang bahagi, yun yung nakita ko sa salamin pero di naman parang matagalan.

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon