Chapter 20 - Ship on fire

78 2 0
                                    

Theresa Pov

Fck me! "Lintek!" Sigaw ko sa aking nakikita, nandito ako ngayon sa captain's deck. Sa una palang parang may nakikita na akong delikado, mula nung narinig ko ang speech ni Jeynelle, nagmatiyag akong bumalik dito dahil may kakaiba akong nararamdaman.

At Oo tama nga ang hinala ko, may naganap na pagsabog ng bomba sa kaibilang dulo nitong malaking barko, sinarado ko ang pinto nito para masolo ko lang ang pagmamaneho ng barko. Baka mamaya maitulad pa Kami sa Titanic nito.

*violent knock*

"Sinong nandiyan??" Tanong nung guard sa pinto nitong captain's deck.

Hindi ako sumagot para kunyari walang tao, pinainom ko lang naman ang captain ng pampatulog, alam niyo kung anong dahilan?

Pumunta kami sa maling direksyon kung saan nandoon na ang kabilang isla kung saan doon ang paaralan namin ni Jeynelle noon nung panalong high school pa.

May nagbabalak na masama sa amin, sa lahat ng board lalo na sa Calvacantes, hindi ko alam kung bakit pero kilala ko kung sino ang pwedeng makagawa nito, ang heiress and savior ng Campos. Coincidence nga dahil kasurname ng bestie ever beast ko eh.

"Theresa!!" Narinig kong Sigaw ni Prince sa akin, sabi ko sa inyo lalapit din yan sa akin eh, hayy di bale namimiss ko na din kasi ang honeybear ko. "Theresa! Theresa bukasan mo itong pinto!" Hayst. Ulit pa niya, hindi ko mabitawan ang manibela nitong barko. Baka mamaya di ko alam may malaking iceberg na pala diyan sa harap, titanic pa ang peg ng eksena nitong barko.

"Teka bubuksan ko na! May kasama ka?" Tanong ko, kailangan Wala siyang kasama, kampon ng mga Campos ang ilang nagtatrabaho o crew dito sa barko kaya dapat mag-ingat ako para magabayan ang mga tao, ganyan ako katalino.

"Wala" sagot nito.

Weh?

"Eh di ako naniniwala" pabiro kong sinaad, namiss ko din ang pagbibiruan namin ni honeybear ko ha pero siyempre seryoso din minsan.

"Tsk, bubuksan mo o bubuksan mo?" Ano kaya yun? Pinagpili pa ako eh Wala namang pagpipilian, tsk ang corny din ng dating nito ni Prince. Pangit na nga ang style, corny pa.

"Yung o nalang pipiliin ko" at least yun lang yung naiiba oh diba? Saan ko pa ba gagamitin ang talino niyan? Siyempre isa akong mathematical engineer, kung math ang isosolve ko, maiisahan kita, math lover ako eh. Sana ikaw din.

"Tsk dali na kasi!" Sinusubukan na niyang wasakin yung pinto kaya naman tumakbo ako palapit doon at binuksan na ang pinto pero pagkabukas ko.

"Ahh!" Sigaw naming dalawa nung nagkasalubong kami, kasabay ng pagbukas ko ng pinto at pagkatulak niya ay sabay kaming bumagsak sa sahig. Nasa ibabaw ko siya at nakaposisyon kami na parang? Eww.

Yuckies! "Ahhh!!" Sigaw ko sabay hinampas yung dibdib niya na nakadagan sa katawan ko, ang laki ng katawan at ang bigat! Grabe! Dati payatot lang itong ex ko tapos ngayon waa ang laki na ng body building muscle.

"Umalis ka nga sa akin!" Sinubukan ko siyang tulakin, nagtagumpay naman din ako. Tsk, yung 2 minutes nasayang dahil sa quality time namin. Hindi naman nagtagal, umalis na din siya sa pagkakapaosisyon niya sa akin ng nakakadiri.

Pinagpagan ko yung gown kong sinira niya, baka mamaya may tira-tira pa ng exposure nito ni Prince sa damit ko, mas lalong nakakadiri yun. Ano kami? In relationship?? Break up na kami pero huhu sometimes gusto ko ng magkabalikan kami...

"Baliw ka na ba?? Engineer nagmamaneho ng cruise?" Nakataas kilay nitong Tanong habang nakaturo pa siya sa manibela ng captain.

Ngumuso ako, "Oo matalino naman ako kaya okay lang"

Embracing My Gay Boss (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon