Pagibig nila ay kakaiba
Para sa atin sila ay nagiisa
Lahat ay gagawin nila
Para sa kanilang pamilyaPagmamahal nila'y walang kapantay
Sa buhay natin sila'y kaagapay
Puso nila'y puno ng pagunawa
Sila'y likas na mapagpasensyaSila ang nagbigay sa atin ng buhay
Pagmamahal nila'y totoo at tunay
Sila ang nagbibigay ng kulay
Kapag tayo ay nalulumbaySiya ay laging makikinig sayo
Iintindihin ang pinagdadaanan mo
Hindi mapapagod magbigay ng payo
Kahit minsan hindi sinusunod ang mga itoMinsan ma'y sila'y nagagalit
At mga sinasabi'y nakakasakit
Ngunit ito ay para sa atin
Kaya dapat natin silang intindihinKapag ikaw ay may bagay na gusto
Ibibigay niya ang mag ito
Huwag ka lang magtampo
Dahil tanging hangad niya'y kaligayahan moMagalinlangan man ang iba
Sa kakayahan na meron ka
Ngunit siya ay naiiba sa knila
Dahil sayo siya'y may tiwalaSusuportahan ka sa lahat bagay
Pangangailanga'y laging ibibigay
Sila'y madaling lapitan
At laging makakapitanYan ang pagibig ng isang ina
Ang pagibig na tanging nagiisa
Pagibig na hindi kayang ibigay ng iba
Pagibig nasa kanila lamang nagmumula.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...