HINDI KO INTENSYON

941 3 0
                                    

May mga bagay na nagagawa at nasasabi natin
Marahil ilan doon ay sadyang mahirap unawain
Minsan dahilan pa ito ng hindi pagkakaintindihan
Kaya naman sa huli'y nauuwi sa mga bagay na di-inaasahan

Patawad pero hindi ko intensyon
Na magkaroon ka ng sarili mong interpretasyon
Patawad kung ika'y naguluhan
At mga bagay ay nabigyan ng ibang kahulugan

Sa bawat salitang aking nabigkas
Hindi iyon banat o pampalakas
Ganun lang naman talaga ako magsalita
Akala ko naman doo'y nasanay ka na

Hindi ko naman intensyon
Na gawin mong basehan ang lahat ng iyon
Patawad kung dahil doo'y napakilig kita
Naging dahilan din kung bakit ka umasa

Sabi mo pa masyado akong mapagkalinga
Natural lang dahil kaibigan kita
Iniisip ang mga bagay na nakakabuti sayo
Kaya ganun nalang ang mga kilos ko

Kung binuhat ko man ang dala dala mo
Dahil iyon sa alam kong mabigat ang mga ito
Ayaw kong makita kang nahihirapan
Gusto ko lang naman magpakita ng kabutihan

Kung lagi man tayong magkausap
At kung ganun na ang lagi nating ganap
Dahil yun sa alam kong kailangan mo ng taong makikinig
Kaya kausapin ka'y akin ng naging hilig

Oo sa tuwing kasama kita
Nakikita mo sa aking mga mata ang saya
Oo hindi ko naman ito ikakaila
Natural dahil para sa akin ikaw ay mahalaga

Oo narinig mo na
Para sa akin ay mahalaga ka
Pero hindi katulad ng iniisip mo
Hindi sa paraang romantiko

Patawad kung sa tingin mo'y nabigyan kita ng sobrang atensyon
Dahilan kung bakit inisip mong posible tayong magkaroon ng malalim na relasyon
Pero hindi ito katulad ng teleserye sa telebisyon
Mga bagay ay sadya lamang nagkataon

Hindi kita masisisi
Siguro nga nagulahan ka sa aking mga gawi
Alam kong magiging mahirap para sayo
Kahit konti ito ang naisip na maitutulong ko

Kahit labag man sa kalooban ko ngayon
Ang paglayo ang aking naging desisyon
Dahil hindi ko intensyon na masaktan ka
Nang dahil sa maling akala

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon