TANGGAP KO NA

5.6K 41 0
                                    

Kamusta ka na?
Sana'y nasa mabuti ka
Miss na miss na kita
Nararamdaman mo'y ganito rin ba?

Ang sakit isipin
Mapaka hirap tanggapin
Na ako'y nakayang lisanin
At di man lang nagawang piliin

Mga alaala ng kahapon
Ang pagsasama natin noon
Hanggang ngayon ay baon
At hindi parin maitapon

Nasan na ang pangakong binitawan
Na kailan ma'y hindi mangiiwan
Nasan na ang plano sa isa't isa
Na sa dulo tayo lamang dalawa

Nakita kong muli ang liham mula sayo
At muli kong binasa ang mga ito
Pagibig mo'y nakatatak dito
Hindi lang dito, maging sa puso ko

Bawat letra at salita na bumubuo rito
Ay siyang dahilan ng pagluha ko
Ang maliligayang alaala noon
Ay sakit ang dala sakin ngayon

Bakit? Bakit tayo humantong sa ganito?
Bakit ang ikaw at ako ay maging malabo?
Bakit ang mga ito ang pinili mo?
Yan ang mga tanong sa isip ko

Tadhana'y sadyang mapaglaro
Lahat nga talaga'y nagbabago
Pati ang nararamdaman ng tao
Totoo ngang walang permanente sa mundo

Isang katotohanan ang nagising sa akin
Katotohanang hindi mo na ulit kayamg mahalin
Kahit ano pa man ang aking gawin
At ngayo'y handa na itong harapin

Siguro nga hindi sapat ang pagmamahal ko
At hindi ako ang makapagpapaligaya sayo
Kaya kahit masakit ay tatanggapin ko
Na hindi talaga ako ang nakalaan sayo

Magiging masaya ako para sayo
Pati sa mga desisyong pinili mo
Dahil ang tunay na nagmamaha ay ganito
Hanggang dito nalang, salamat at paalam mahal ko.

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon