Mahal, matagal tagal na rin tayong nagsama
Ang iyong pagmamahal sa akin ay sapat na
Mahal na mahal kita ng labis
Kaya tibok ng puso'y ganun parin kabilisMinahal kita ng sobra
Ginawa lahat ng makakaya
Ngunit lahat ay sadyang may hangganan
At ito ang aking pinaka kinatatakutanTandang tanda ko pa
Kung paano mo siya tignan sa kanyang mga mata
Kung paano ka niya napangiti bigla
Nasaksihan ko na unti unti ka nang nahulog sa kanyaIyon ay isinawalang bahala
Umasang hindi totoo ang nakita
Ngunit sa bawat araw na nagdadaan
Tila ika'y nag-iiba na ng tuluyanKung may nais kang sabihin
Handa na itong marinig
Pakawalan ang sinisigaw ng damdamin
At wag idaan sa magugulong pahiwatigPag ayaw mo na
At sa piling ko'y hindi na masaya
Kung sa akin ay nagsawa na
Kung nararamdaman mo ay nag-ibaPwede bang sabihin mo nalang
At wag nang magalinlangan
Sanay ako'y deretsuhin
At wag mo nalang lokohinPag ayaw mo na
Wag ka ng magpanggap
Na ako'y mahal mo pa
Dahil ito'y hindi ko matatanggapPag ayaw mo na
Pwede ka nang bumitaw
Wag nang kumapit pa
Lalo na't puso mo'y iba na ang sinisigawSabihin sa akin
Ang tunay na damdamin
Wag mo ng patangalin
Kung talagang hirap ng kayaninPag ayaw mo na
Wag kang mag-alala
Ika'y aking pakakawalan
Kahit na ako pa'y masasaktanDahil hindi ko kayang makita
Na wala ng kislap sa iyong mga mata
At pinipilit mo nalang maging masaya
Kahit ang totoo ay hindi na talagaMahal pag ayaw mo na
Ako na mismo ang lalayo
Dahil nais ko na maging masaya ka
Kahit na ito'y hindi sa piling ko
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry (Tagalog)
PoesíaTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...