PAGOD NA SIYA

1K 5 0
                                    

Sa buhay siya'y nakikipagsapalaran
Sa mundo siya'y may mabigat na ginagampanan
Oo isa siyang marangal na tao
Isang guro na hangarin ang magturo

Sa pagtuturo
Para sa kanya'y hindi lamang ito trabaho
Minahal niya ito ng buo
Dito'y umikot na ang kanyang mundo

Sa bawat araw na dumaraan
Hindi mawaglit sa kanyang isipan
Ang isa sa bagay na kanyang pinahahalagahan
Ang kanyang mga mag-aaral at kanilang kapakanan

Misan sarili'y kanyang naisasantabi
At mas ginugusto ay magsilbi
Imbes na magpahinga paguwi ng bahay
Mas pipiliin niya ang makinig sa kwento ng buhay

Sayo'y lagi siyang nakikinig
Pero minsan mo na ba siyang narinig?
Minsan mo na ba siyang tinanong?
Alam mo bang kailangan niya ng tulong?

May nararamdaman siyang hindi maganda
Pero sa bawat araw ay pinipili niyang maging masaya
Ang pagod ay bumabalot sa katawan niya
Pero patuloy na nagtuturo na tila hindi ito alintana

Pagod na siya
Hindi dahil wala ng lakas para makapagturo pa
Hindi dahil rindi na sa ingay na walang tigil
Hindi rin dahil sa makukulit at ayaw papigil

Pagod na siya
Unti nalang ay susuko na siya
Dito'y tiyak na wala ksng alam
Kaya sana'y matutunan mong makiramdam

Pagod na siya
Dahil sa mga mag-aaral na hindi makita ang halaga
Ng edukasyon sa buhay nila
Tila dito sila'y walang pakielam na

Pagod na siya
Ng kakapakita ng tunay nitong importansya
Tila pakiramdam niya'y lagi siyang nababaliwala
Sa kabila ng lahat ng kanyang ginagawa

Pagod na siya
Lingid ito sa kaalaman ng iba
Dahil ingat na ingat niya itong itinatago sa madla
Sa tulong ng paghahatid saya at kaalaman sa kanila

Pagod na siya
Ngunit sa isang pagkakataon ay susubukan niya pa
Patuloy siyang lalaban
Para sa iyong magandang kinabukasan

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon