ADVANCE KASI AKO MAG-ISIP

1.7K 11 0
                                    



Minahal kita ng sobra
Ito'y alam mo ba?
Pangjeje ang tila naging linya
Ikaw lang, sapat na

Ang pag-ibig ko sayo ay parang linya sa kanta
Kulang ako kung wala ka
Para rin itong isang pelikula
Umabot man ng tatlong taon ay di magsasawa

Pagmamahalang walang hanggan
Di maghihiwalay kailan man
Yan ang sumpaang pinanghawakan
Kaya tayo'y patuloy na lumalaban

Ngunit alam kong sa akin ay magsasawa
At pag-ibig mo ay mawawala
Alam kong ika'y makakahanap ng iba
At sa puso mo ang papalit ay siya na

Alam kong darating ang pinakamasakit na araw
Na ikaw na mismo ang siyang bibitaw
Alam kong ika'y magdudulot ng sakit
At paghihiwalay natin ay sasapit

Hindi pa man nangyayari ito
Pero ako ay siguradong sigurado
Ang puso kong iyong binuo
Ay unti unting wawasakin mo

Ang mga bagay na ating pinagplanuhan
Ang lahat ng ating sumpaan
Iyong dahan dahang tatalikuran
At hindi na lilingunin kahit minsan

Hindi ko inuunahan dahil ako'y naiinip
Pero advance kasi akong mag-isip
Binuksan na ang mga bagay na nakatakip
Na balang araw ay posibleng sumilip

Hindi na kita tinanong pa
Kung ito sayo'y ayos lang ba
Nagdesisyon ng mag-isa
Sarili ko'y aking inuna

Kahit alam kong ito'y hindi kaya
Kahit takot man na mauwi sa wala
Masakit man sa damdamin
Pero itong desisyon ang siyang pipiliin

Ako'y hindi na nagdalawang isip
Kahit may panghihinayang na kalakip
Sa ating pag-ibig ako ay sumuko
At sayo ay tuluyan ng lumayo

Alam kong mauuwi lang sa masamang panaginip
Buhay natin ay iba ang magiging ihip
Advance kasi ako mag-isip
Kaya sarili ko'y akin ng sinagip

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon