MAGHIHINTAY AKO

4.1K 37 0
                                    

Ito nanaman ako iniistalk ka
Nagbabakasakaling makahanap ng balita
Kamusta ka na kaya? Anong pinagkakaabalahan mo?
Gusto kong itanong sayo ang mga ito

Ngunit wala akong lakas ng loob para gawin ito
Para pindutin ang pangalan mo sa messenger ko
At magtype ng message para sayo
Hindi ko masabi sayo ang nararamdaman ko

At alam kong kahit sabihin ko ang mga ito
Ano nga ba ang pakielam mo?
Eh, hindi naman ako ang iyong gusto
Kahit anong gawin, hindi parin magiging ako

Dahil hindi ako siya, at malabong maging siya
Hindi kasi ako kasing sexy at kasing ganda niya
Hindi kasi ako ang tipong babae mo
Kaya malabo na magustuhan mo ako

Pero okay lang, tanggap ko naaman
Hindi parin magbabago ang aking nararamdaman
Ikaw at ikaw parin ang aking gugustuhin
Kahit sa akin ay wala kang pagtingin

Siguro akin na lamang hihintayin
At aking ipapanalangin
Ma balang araw ako'y magustuhan
At magtugma ang ating nararamdaman

Maghihintay ako, hihintayin kita
Kahit na ang baba ng pagasa
Maghihintay parin ako, aasa sa tayo
Dahil ikaw lang naman kasi ang gusto ko

Kaya sana'y iyong tandaan
Sa panahong ika'y kanyang iwanan
Nandito lang ako at pwede mong lapitan
Handang makinig at hindi ka ipagtatabuyan

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon