Alam kong masakit parin hanggang ngayon
Tanggapin mo ng alaala nalang ang lahat ng yon
Halos lumipas na ang ilang taon
Bigyan naman ang sarili ng pagkakataonTapusin mo ng balikan ang kahapon
Hayaan mo na ang sariling bumangon
Sarili'y huwag ikulong sa kadiliman
Lungkot na iniwan ay iyong labananTapusin mo na ang pagiyak ng dahil sa kanya
Lahat ng alaala'y kalimutan mo na
Hayaan mo na, palayaan mo na siya
Dahil masaya na siya sa piling ng ibaTapusin mo na ang kakaasa sa wala
Ang kayo ay napalitan na ng sila
Hindi na ikaw ang mahal niya
Hindi ka na niya babalikan paTapusin mo na ang pagiging tanga
Sa ginagawa mo'y hindi ka sasaya
Oras at pag-ibig ay huwag ng ilaan sa kanya
Buksan ang iyong mga mata, marami pa jang ibaTapusin mo na at ibaon na sa limot ang nakaraan
Hayaan mo na ang lahat ng pagaalinlangan
Subukan mong muling sumugal
Puso'y muling turuang magmahalTapusin mo ng isipin na walang hihigit sa kanya
Hayaan mong patunayan kong mali ka
Tapusin mo ng iyakan siya
Hayaan mo na akong patahanin kaHiling ko'y iyong pagbigyan
Tapusin mo ng isiping muli kang masasaktan
Hayaan mong pansinin ako kahit minsan
At pag-ibig ko sayo'y aking mapatunayanTapusin mo ng ang kakahanap sa sagot sa lahat ng katanungan
At hayaan mong ibigay ko ang tiyak na kasagutan
Tapusin mo ng mahalin siya
At hayaan mo ng mahalin kita
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...