Naaalala ko pa noong naging tayo
Kung paano nagkakulay aking mundo
Kung paano sa piking mo ako'y naging masaya
At kung paano ang lahat ng bagay ay nagtugmaNaaalala ko pa kung paano ito unti unting gumulo
Dumating sa puntong ako'y pinagsinungalingan mo
Kung paano unti unting nasira ang tiwala sayo
Dahil sa mga kalokohang ginawa moPero dahil mahal kita, ika'y pinatawad ko
At nangako ka sa aking ika'y magbabago
Naniwala ako, Dahil alam kong ito'y gagawain mo
May tiwala ako sayo na tutuparin ang iyong pangakoNgunit lahat ng pangako ay muling napako
Lahat ng bagay ay mas naging magulo
Pakikisama mo sa akin ay tuluyang nagbago
Pakiramdam ko'y hindi na ako ang mahal moPaulit ulit kitang pinatawad, dahil mahal kita
Patuloy na umaasang baka magbago ka pa
Baka maisip mong sapat na ako
Na hindi mo na kailangan pang manlokoHindi na natuto, hindi na ako natuto
Kahit patuloy paring sinasaktan mo
Hindi na natuto, na mahalin naman ang sarili ko
Patuloy paring minamahal ang tulad moHindi na natuto na palayain ang aking sarili
Mula sa iyong dulot na sakit at pighati
Hindi na natutomh kumawala mula sayo
At mula sa mga bagay na kinasanayan koDahil mahal kita, hindi ko kayang iwan ka
Kahit pa na ako'y nasasaktan na
Sabihin man nila na hindi na ako natuto
Basta dito lang ako sa tabi mo.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry (Tagalog)
PuisiTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...