HI! HELLO!

1K 8 0
                                    

Hi! Hello!
Jan nagsimula ang ating kwento
Naglakas loob na batiin ka
Di inasahang ganun din ang iyong ginawa

Hi! Hello!
Kung saan masundan ng "anong ginagawa mo"?
"Kamusta? Kumain ka na ba?"
At kung anu-ano pa

Simple at maikling bati
Na nasundan ng paguusap lagi
Minsa'y inaabot pa ng hating gabi
Simple lang pero sa akin ito'y nagpapangiti

Hi! Hello!
Dahilan kung bakit ako sumaya ng todo
Daan sa muling pagtibok ng puso
Bagay na pinanghawakan ko

Ngunit hindi pala lahat ng convo
Ay nagpapatuloy gaya ng ating gusto
Dahil umabot tayo sa punto
Na naabot na natin ang dulo nito

At ngayo'y hindi ko na masabi ito
Nawala na ang lakas ng loob ko
Dahil alam ko at ako'y sigurado
Na ang aking "Hi" ay hindi na muling masusundan pa ng "Hello"

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon