Sa mundong ginagalawan ko
Aking tuluyang napagtanto
Na wala talaga akong kwenta
Wala akong halagaWala akong kwenta
Katulad nalang ng sinasabi ng iba
Wala akong kwenta
Base sa pinaparamdam nilaHindi mo yan kaya
Wala ka naman kwenta
Ilan lang yan sa sinisigaw ng mundo
Mga salitang nakakapanghina ng pusoOo wala akong kwenta
Kahit anong gawin ko
Hindi parin makikita ang magaganda kong ginagawa
Hindi parin ako tatanggapin ng buoWala akong kwenta
Ang bagay na to ay tuluyan ko nang tinanggap
Tanggap ko na, wala akong kwenta
Ayoko nang magpanggapDahil ito ang totoo
Ayoko ng lokohin ang sarili ko
Alam ng aking puso
Alam ko at tanggap ng buong buoWala akong kwenta
Wala akong kwenta, kung hindi dahil sa kanya
Wala akong kwenta
Kung hindi dahil sa pagmamahal niyaWala akong kwenta kung hindi ko siya makikilala
Kung hindi ko mararanasang mabuhay ng kasama siya
Kung hindi siya tatanggapin ng aking puso
Ako ay tuluyang magiging walang kwenta at alipin ng mundoWala akong kwenta
Kung hindi ako makikinig sa kanya
Wala akong kwenta
Kung hindi ako maniniwala sa kanyaWala akong kwenta
Ngunit minulat niya ang aking mga mata
Upang aking tuluyang makita
Ang tunay kong halagaPinatunayan niya
Na hindi mahalaga ang sinasabi ng iba
Hindi ko kailangang makinig sa kanila
Hindi sila ang basehan ng aking halagaWala akong kwenta
Pero kanyang pinaramdam na hindi ako nag-iisa
Wala akong kwenta
Pero ginagabayan niya ako sa lahat ng aking ginagawaWala akong kwenta
Pero para sakin, buhay niya ang naging kapalit
Wala akong kwenta
Kung sa kasalanan ay patuloy akong babalikWala akong kwenta
Nagkakasala at gumagawa ng masama
Pero ako ay napiling mahalin niya
At ito ay kanyang napatunayan na
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry (Tagalog)
PoesíaTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...