IKAW AT AKO

1.8K 13 0
                                    


Ikaw at ako
Yan yung bagay na laging pangarap ko
Dinadalangin sa sana'y magkatotoo
Sana tuluyan nang mabuo

Ikaw at ako
Ang saya siguro nito
Yung tipong nandito ka sa tabi ko
At nagdadala ng kasiyahan sa aking puso

Ikaw at ako
Ang sarap lang iguhit sa imahinasyon ko
Siguro pag natupad ito
Isa na ata ako sa pinakamasayang tao

At sa hindi ko inaasahan
Ang ikaw ay akin na ngang natagpuan
Sa wakas, sa kabila ng aking paghihintay
Mahahawakan ko na ang iyong mga kamay

Sa bawat araw na dumadaan
Mas lalong lumalim ang nararamdaman
Dahilan kung bakit minahal kita ng tuluyan
Kahit di tiyak kung maganda ba ang kahahantungan

Akala ko'y ito na ang simula
Akala ko'y tuluyan na kitang makakasama
Ang ikaw at ako
Akala ko'y tuluyan ng mabubuo

Pero nagkamali ako
Hindi ko nakita ang tunay na lugar sayo
Hindi ko naisip ang tunay na nararamdaman mo
Hindi ka pala dumating para mahalin ako

Ako pala ay naging tulay
At doo'y walang kamalay-malay
Sa sobrang pilit kong pagbuo ng tayo
Di ko namalayang kapwa niyo na palang nabuo ang kayo

Ang ikaw at ako
Ay hindi pala para sa salitang tayo
Dahil ang ikaw at ako
Ay sadya nang malabo

Ang ikaw pala ay para sa kanya
At ito'y istorya niyo palang dalawa
At dito kayo pala ang tunay na bida
At ako ay isang hamak lang pala na ekstra

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon