Ang mensaheng iyong ipinadala
Ni isa ay wala akong binasa
Hindi dahil ang makausap ka ay nakakabagot
Pero tila dito'y parang wala akong maisasagotSa plano nating pagkikita
Hindi ako sumipot at nagpakita
Hindi dahil sa ayaw kitang makasama
Pero ang makita ka ay tila hindi ko na kayaSa sinabi mong miss na kita
Ang tanging naisagot lang ay tawa
Hindi dahil hindi tayo pareho ng nadarama
Pero para kasing joke lang, hindi ko alam kung totoo baIniwasan kita
Siguro ito'y nahalata mo na
Ang dami kong alibi na ginawa
Para lang malayuan kaIniwasan kita
Hindi ako nagbago o nag-iba
Sarili ko'y aking inilayo
Bagay na sa isip mo'y nagpaguloIniwasan kita
Hindi dahil ikaw ay nakakairita
O ang mga kwento mo'y wala ng kwenta
At sa mga joke mo ay napikon naIniwasan kita
Hindi para ipakita na wala kang halaga
Hindi dahil naiinis ako sayo
At lalong hindi dahil sa hindi kita gustoIniwasan kita
Dahil ako'y napagod na
Napagod ng intindihin ka
Kung ano ba talaga itong nais mong ipakitaIniwasan kita
Dahil ito ang tingin kong tama
Kahit iba ang sinisigaw ng puso
Dahil ang totoo ay nahuhulog na ako sayo
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...