SANA AKO NALANG

4.5K 24 2
                                    


Kung hindi kaya siya ang mahal mo,
Mamahalin mo rin kaya ako?
Kung wala kayang kayo,
Magkakaroon kaya ng tayo?

Kung ako kaya ang una mong nakilala
Ako kaya ang pipiliin mo saming dalawa?
Ako kaya ang sasabihan mo ng "Mahal Kita"?
At pahahalagahan mo ng sobra?

Mga tanong na gumugulo sa aking isipan
Mga tanong na tumutugma sa SANA AKO NALANG
Sana ako nalang kasi
Bakit ba kasi hindi pwede?

Sana ako nalang
Ito'y ipagpipilitan ko nanaman
Kahit paulit ulit nalang
Akin paring ipinaglalaban

Sa mga araw na nakikita kayong magkasama
Hindi maalis sa aking isip
Ang tanong na kung ako kaya siya?
Kaligayahan mo kaya'y akin bang masisilip?

Sana ako nalang ang una mong nakilala
Sana sa akin ka nalang sumasaya
Bakit ba ganito ang tadhana?
Sinasaktan ako ng sobra

Baka kasi pwede naman talaga?
Baka sa pagdating ng araw
Ako ay tuluyang piliin mo na
Nagbabakasakaling may pagasang matanaw

Aasa nalang ba?
Na ang sana ako nalang
Ay maging oo ikaw na
Ikaw at ikaw lang

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon