SA PAGITAN MO AKO INIWAN

1.3K 9 0
                                    



Naaalala mo pa ba,
Kung paano ang lahat ay nagsimula?
Kung paano ang matamis na pagtitinginan ay nabuo
Na ang buong akala ko ay totoo

Tandang tanda ko pa
Kung paano tayo nagkakilala
Kung paano ka nakilala ng lubusan
Dahil sa mga kwento mong puro kalokohan

Tandang tanda ko pa
Ang lahat ng naging alaala
Mga alaala na kasama ka
Mga sandaling tila kay saya

Bigla mo akong iniwasan
Sa huli'y napagdesisyunang lumisan
Lumisan ka nang wala man lang paalam
At iniwan ako sa pagitan

Sa pagitan mo ako iniwan
Sa pagitan ng kaibigan at ka-ibigan
Sa pagitan ng nahulog na ako at nahulog ka nga ba?
Sa pagitan ng may namagitan nga ba o wala

Sa pagitan ng gusto kita o mahal na ata kita
Sa pagitan ng umasa ako at pinaasa mo ako
Sa pagitan ng pinili kita at pinili mo'y iba
Sa pagitan ng katotohanan at ilusyon ko

Sa pagitan ng akala ko at akala ko lang pala
Sa pagitan ng sana at sana hindi nalang
Sa pagitan ng okay lang at ang sakit talaga
Sa pagitan ng ikaw lang at sana iba nalang

Sa pagitan ng ngiti at tawanan
May nakaadya na palang paglisan
Sa pagitan ng matatamis na salita
Mauuwi lang pala ang lahat sa wala

Sa pagitan mo ako iniwan
Sa pagitan ng alaalang di makalimutan
Sa pagitan ng dilim at liwanag
Sa pagitan ng damdaming hindi mapaliwanag

Sa pagitan mo ako iniwan
Sa pagitan ng dalawang pagpipilian
Ang tuluyang kalimutan ka,
O ang maghintay hanggang kaya pa

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon