NAKAKABINGI

705 6 0
                                    

Nakakabingi ang paulit ulit na paalala
Ang mga di matapos na utos ni mama
Nakakarindi, ang sakit na sa tenga
Pauulit ulit at di na matigil pa

Pag-uwi ko ng tahanan
Kahit tawagin ako ng higaan
Hindi ko magawang magpahinga
Dahil ayan, ang utos na naman ni mama ang aariba

Nakakabingi ang mala machine gun na bunganga ni mama
Dinaig pa ang sound system sa lakas ng pagsasalita
Tila sa sarili'y natatanong kung hindi ba siya napapagod,
Sa mga utos na paulit-ulit at sunod-sunod

Minsan naiisip ko paano kaya kung wala si mama
Kung pag-uwi ko ng bahay ay tahimik na kaya
Siguro mararamdaman ko ang pagiging payapa
At doon mahahanap ko ang saya

Pag-uwi ko ng bahay na wala si mama
Masaya kaya?
Maaari na bang makapagpahinga?
Wala na bang mga bagay na iisipin pa?

Ito'y akin pa lamang iniisip
Pero naiisip na din ang mga bagay na kalakip
Paano kaya pag wala si mama?
Ako'y matatahimik na ba talaga?

Pero aking mas napagtanto hindi naman siguro ako mabibingi
At ito'y hindi naman kay mama isisisi
Kung unang utos pa lang ay bibigyan ko na ng aksyon
Siguro'y dahil dito di na tataas ang tensyon

Marahil nakakabingi man
Ngunit alam kong lahat ng ito'y para sa aking kapakanan
Kung susundin ko siya ng walang pagaalinlangan
Hindi na magkakaproblema kailanman

Ngayo'y titiisin kong mabingi
Gagawin ko lahat kahit tila di na mapakali
Kaysa umuwi ng wala si mama sa tahanan
At mabingi ng dahil sa katahimikan

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon