PASENSYA KA NA

3.4K 11 0
                                    


Siguro nga malabo na ang aking mga mata
Kaya hindi ko agad nakita
Na ikaw yung taong laging nanjan
At sa akin ay nagmamahal ng lubusan

Siguro nga nabalot ng kamanhiran
Ang puso kong lubos na nasaktan
Kaya damdamin ko ay napangunahan ng takot
At sa pag-ibig ay ayaw ng muling masangkot

Pasensya ka na
Kung pag-ibig mo'y hindi ko nadama
Kung atensyon ko man ay nabaling sa iba
Pasensya na kung lubusan kang umasa

Pasensya ka na
Hindi ko alam kung anong angkop na salita
Ang dapat kong sabihin
Para gumaan ang iyong damdamin

Pero sa huling pagkakataon
Sana'y hayaan mong masabi ito ngayon
Di ko alam pero damdamin ko'y nagbabago
Hindi ko alam pero nasanay na ako sayo

Pasensya ka na sa nagawa ko
Pero sanay hindi pa huli
Kung hihingi ako ng pabor sayo
Na baka pwede ka pang manatili

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon