PARA SA ATING DALAWA (Reverse Poetry)

5.1K 10 1
                                    


Para sa ating dalawa
Na lahat ay gumulo
Puso'y natatakot
Damdami'y nalulungkot
Hindi ko ramdam
Ang iyong pagibig
Ang bagay na aking naging bukang bibig
Akin lang nadarama
Ang kamanhidan sa puso
Tuluyan ng nawala
Ang matamis na pagibig mo
Ramdam na ramdam ko pa
Ang sakit sa aking puso
Mga bagay na iniyakan ko
Patuloy nang nawawala
Ang tiwala ko sayo
Mas lalong lumalalim
Ang away at pagtatalo
Ating nang iniiwasan
Lahat ng bagay sa ating dalawa
Pati makita ang isa't isa
Pagkakaroon ng oras sa bawat isa
Atin ng sinisigurado
Na maging masaya
Kapag malayo sa isa't isa
Hindi makakaya
Na manatili pa
Ito ang tanging pangarap
Para sa ating dalawa

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon