Ilang beses na ba akong nasaktan?
Ilang beses ko na bang narinig ang salitang paalam?
Tila hindi ko na rin mabilang
Tila isa na lamang itong pangkaraniwanLagi nalang akong naiiwan
Lagi nalang nasasaktan
Paulit ulit nalang ang aking karanasan
Pare-pareho nalang ang kinahahantunganMagmamahal ulit
Pero masasaktan ang sarili
Susubukan ulit
Pero maiiwan lang muliAko'y nasanay na sa mga paalam
Na paulit ulit nalang
May sakit parin na nararamdaman
Pero hindi na katulad ng nagdaanAko'y nasanay na sa mga paalam
Mula sa mga taong sa buhay ko ay dumadaan
At nagparamdam sa akin ng pansamantalang kasiyahan
Ngunit hindi nanatili ng pangmatagalanNasanay na akong maramdaman
Na tila hindi ako kawalan
Na tila ako'y parang laruan
Na mabilis iwanan at palitanPero sa puntong ito ayoko ng ipagpilitan
Ang sarili ko'y ayoko ng ipagsiksikan
Dahil tila ako lang naman ang nasasaktan
Ako lang naman ang nahihirapanNasa punto na ako ng buhay ko
Na kapag may darating na magpapatibok sa aking puso
Hindi ko na muling susunduin
Ihahatid ko na papalayo sa akin.
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...