NAGALIT SI TITSER

1.3K 7 0
                                    

Makapag-aral, yan ang aking desisyon
Ngunit sa pagpasok ko'y tila walang motibasyon
Dito'y wala ang aking atensyon
Nais makapag-aral ngunit ang magaral ay hindi intensyon

Tila lagi nalang walang gana
Sa mga proyekto'y madalas walang gawa
Mga aralin ay di pinapasok sa utak
Pero bunganga ko'y walang tigil sa pagputak

Papasok sa eskwela
Pero laging nakatunganga
Ganyan na ang nakasanayan
Pagsabihan ma'y di na tinatablan

Sarili'y di matawag na mag-aaral
Dahil sa mga bagay na inaasal
Tila isang manlalakbay na walang patutunguhan
Tila ganyan ang bagay na ginagampanan

Sa sigaw ni titser
Sa utos niyang tumayo at humarap sa pader
Tila diyan ay nasanay na
Himala kung mayroong magbago pa

Pero nagalit si titser
Hindi dahil may problema sila ng kanyang mister
Hindi dahil sa pagod na siyang umintindi
Hindi dahil sa bunganga ko'y siyang tuluyan ng narindi

Nagalit siya
Wala akong narinig na masakit na salita
Bagkus ako'y tinawag niya
At naglaan ng oras para makapag-usap kaming dalawa

Tinanong niya ako kung ano ang aking plano
Kapag nakapagtapos sa kolehiyo
Ano daw ba ang nais kong maging trabaho
Anong klaseng buhay daw ba ang nais ko

Sa mga tanong niya ako'y napasimangot
Wala akong maisip na maisasagot
Naubusan na ata ako ng mga pangarap
Hindi ko na makita ang maganda kong hinaharap

Ang tanging sagot ko sa tanong niya'y "hindi ko alam"
Naiinis ako, ano ba ang kanyang pakielam
Nagalit siya, yun ang aking pakiramdam
Nais ko na sanang magpaalam

Ngunit niyakap niya ako
Maniwala daw akong mayroong magbabago
Kung talagang gugustuhin ko
Mahahanap ang tunay na papel sa mundo

Nagalit siya
Dahil sa aking kawalan ng gana
Sa mga maling bagay na ginagawa
Sa kawalan ng pag-asa

Nagalit siya
Pero sa positibong paraan ipinakita
Ganito niya iparamdam ang pagmamahal niya
Galit siya pero kabutin ko parin ang inaalala

Spoken Poetry (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon