Ang hirap naman pala nito
Akala ko sapat na yung ganito
Ayos na eh, masaya na tayo
Pero bakit bigla nalang nagbago?Hindi ko lubos maisip
Tila lahat ay para paring panaginip
Sa kasiyahan ay masyado akong natuon
Ngunit iba na ang kahapon sa ngayonTeka dapat ko nga bang sabihin may nagbago?
Kung lahat ng ito ay hindi naman totoo
Kung lahat ay kathang isip lamang
At ang tanging nakapansin ay ako langKathang isip lang pala ang lahat sa atin
Lubos na umasa ang puso't damdamin
Ngunit gaya ng iyong hiling
Distansya mula sa iyong pilingNgayon ay akin ng ibibigay
Sa piling mo ay pipiliting mawalay
Kahit hindi na ako sanay
Sa agos ng tadhana ay sasabaySarili ko'y sinaktan ko lang
Dahil sa mga kathang isip kong ito
Ang tanging magagawa ay lumayo nalang
Kalilimutan ang mga alaalang nabuo
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry (Tagalog)
PoetryTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...