Maganda siya
Maamo ang kanyang mukha
Lalo na kapag namumutawi
Ang kanyang matatamis na ngitiMasaya siya
Yan ang lagi niyang ipinapakita
Ngunit ang kanyang mga mata
Tila may tinatago malungkot na istoryaSa likod ng kanyang ngiti
Masasakit na karansan, kanyang ikinukubli
Sa likod ng kanyang ngiti
Sinusubukang lokohin ang sariliSa simpleng paraan ng pag ngiti
Pinapakitang masaya kahit sandali
Ngunit ang totoo ay ito'y pagkukunwari
Daan lamang para problema'y mainsantabiSa likod ng kanyang ngiti
Walang nakakaalam ng pag-iyak niya gabi gabi
Ang pagmumukmok sa isang tabi
Sa buhay, paubos na ang kanyang pisiSa likod ng kanyang ngiti
Mga tao'y naniwala ng kay dali
Na siya'y nasa mabuting kalagayan
Maayos ang kanyang nararamdamanSa likod ng kanyang ngiti
Nakatago ang kanyang wasak na sarili
Sa likod ng kanyang ngiti
May buhay, na maglalaho na ng unti unti
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry (Tagalog)
PuisiTula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay na pagibig, tula para sa mga salitang di masabi ng bibig, at tula para sa mga taong umaasang baka b...