Part 42 : Wishes

17 0 0
                                    

Lumabas sila namasyal at pumunta sila sa pinakasikat na gothic church sa Spain para magdasal. Nasa pinakaunahan sila sa tapat ng altar, nakatayo magkakatabi. Nasa pinaka-kaliwa si Missy katabi sa kanan niya si Ken bago si CL bago si Lei.

CL : Alam niyo ba? na kapag ito pa lang ang unang beses mong makapunta sa isang simbahan pwede kang mag-wish...

Missy : Talaga CL?

CL : Oo naman but be careful sa pagwi-wish dapat yung maaari lang talagang ma-grant.

Ken : Anong ibig mong sabihin?

CL : Kung mag-wiwish ka dapat reality hindi yung magwi-wish ka main-love sayo ang isang serena o magin hayop ka in fantasy lang kasi yun, hindi pwede ang imposible.

Ken : Ah eh pano kung ang wish ko eh mapansin ako ng taong mahal ko pwede ba yun.

Lahat sila napatingin kay Ken samantalang ang tingin ni Lei kay Ken parang kung wala sa harap nila sina CL makakain niya ng buhay ang kaibigan at tila nag-aapoy ang mga mata.

CL : Huh? ewan ko pero nasa tao din kasi yun kung mahal ka din niya mapapansin ka niya pero ikaw kung gusto mo iwish mo na rin baka igrant wish mo eh.

Lei : Pero Ken kung saka-sakali lang wag kang umasa para di masyado masakit tanggapin.

CL : Che! ang nega mo(sama ng tingin kay Lei)Sige lang Ken iwish mo kung ano gusto mo!(sabay tingin kay Ken)

Lei : Tss....*Para namang magkakatotoo mga wish niyo bata lang ang naniniwala sa mga wishes granted*

CL : Wish na tayo!(nakangiting pumikit)

CL's Wish...
"Wish ko na maibalik ko ang panahon.....Na di kami nag-away ni Vlad tss....Bawal nga pala ang imposible....Sana magkabati na lang kami..."

Missy's Wish...
"Sana tigilan na ni Papa ang pakikipagkasundo saken ayoko na....Nakita ko na siya, ang taong para saken....(napatingin ng lihim kay Ken)pero iba ang mahal niya...(napatingin kay CL na hanggang ngayon nakapikit pa rin)Ang haba kasi ng hair ni CL kaya ayan dala-dalawa ang prince charming niya. Sana naman Ken lumingon ka sa kaliwa mo...Sana mapansin mo rin ako.."(nakatingin pa rin kay Ken)

Ken's Wish...
"Sana bumisita dito ang mga magulang kahit minsan lang namimiss ko na sila eh....At maliban don wish ko na mapansin niyang gusto ko siya..."(napatingin kay CL)

Maya-maya nakaramdam si Ken na may nakatingin sa kanya sa kaliwa kaya lumingon siya at nakita niyang nakatitig sa kanya si Missy at nang matauhan ito at malamang nakatingin na siya umiwas ito at lumingon sa ibang direksyon.

Ken : (nagtataka)Baket?

Missy : (nilingon si Ken at nagmaang-maangan pa)Huh? ano yun?

Ken : Nakatitig ka saken kanina..

Missy : Ha? ah hindi ah namamalik-mata ka ata!

CL & Lei : (nakatingin nasa dalawa)

Missy : (napansin si CL)

CL : Anong usapan niyo?

Ken : (napatingin kay CL)Ah wala.

CL : Sige tara na gutom na ako eh..

Mgsisimula nang maglakad si CL nang bigla siyang hawakan ni Lei.

CL : Te...Teka nga bitaw.....

Lei : Mauna na kayo sa kainan may pupuntahan lang kami...

Ken : Ah C......

Missy : (natigilan lang)

Lumabas na silang dalawa at naiwan sina Missy sa simbahan.

CL : Saan ba tayo hah kumakalam na tiyan ko eh.

Lei : Basta!!!

Nagpunta sila sa isang ancient church sa Spain. Maliit, tahimik, simple at kakaiba ang feeling sa loob.

CL : Ano to?

Lei : Simbahan malamang...

CL : Shunga alam ko! ang ibig kong sabihin baket mo ko dinala dito?

Lei : Ito ang simabahang hindi ko pa napupuntahan dito sa Spain.(diretso ang tingin sa unahan)

CL : Huh?? *nakakaloko to ah hindi pa nararating tong simbahan pero mukhang alam na alam niya yung lugar.*Pano mo naman nalaman to?

Lei : Nagresearch ako malamang bago tayo makapunta dito dahil alam ko pupuntahan niyo agad yung simbahan na yun, malamang kilala yun eh eto hindi man masyado kilala at least tahimik at alam kong ikaw at ako lang ang nasa loob ng simbahan to(napangiting tumingin kay CL sabay tingin uli sa unahan)*pari na lang ang kulang.*

CL : (nakatitig lang kay Lei)

Lei : Dito makahihiling ako..

CL : *Hindi siya nagwish kanina so di ibig sabihin napuntahan na nga niya yung naunang simbahang napuntahan namin.*

Lei : Matunaw ako nan(nakapikit na)

CL : Hmpf!! (lumingon sa ibang direksyon) Humiling ka na nga lang nagugutom na ako eh...

Lei's Wish...
"Alam ko imposible ang hihingin ko pero sana malimutan na lang niya si Vlad at ang nakaraan niya sa kanya at ako naman ang makita niya....Gusto ko siya at di ako papayag na mawala siya saken....Sana naman magustuhan mo din ako. Di ako naniniwala sa wishes granted pero para lang matupad ang kahilingan ko maniniwala ako.."

A/N
Guys eto po yung pinuntahan nina Lei at CL na church.

A/NGuys eto po yung pinuntahan nina Lei at CL na church

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-Monasterio Romanico de Sant Miquel.

A Cute Love Story (Pakisabi Na Lang) S2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon